^

PSN Showbiz

Malungkot ang pinagdaraanan Michael V., naninigurong hindi magkaka-pneumonia

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Malungkot ang pinagdaraanan Michael V., naninigurong hindi magkaka-pneumonia
Michael V.
Video grab mula sa Youtube channel ni Michael V

Naniniguro si Michael V. na wala siyang pneumonia. Kahapon nga ay nagpa-x-ray siya.

Sa kanyang update post ay sinabi niyang : “Sa mga concerned, nagpa-X-ray ako kahapon para masiguro kung meron akong pneumonia. Medyo mabilis kasi akong mapagod. May nakita silang pwedeng “pagmulan” ng pneumonia pero hindi naman daw kailangang magpa-ospital,” umpisa ng post niya.

“Niresetahan nila ako ng antibiotics at sinabihang sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling. Naka-self quarantine pa rin po ako para sa safety ng lahat ng nasa paligid ko.
“Gusto kong magpasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan namin ng pamilya ko. At gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa,” sabi pa niya.

“Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe,” paalala pa niya.

Nauna nang nagpasalamat si Bitoy sa interview ng 24 Oras, sa lahat ng mga nagpaabot ng well wishes para sa mabilis niyang pag-recover mula sa COVID-19.

Naging malaking tulong daw ang prayers para sa kanya, “Actually, mahirap talaga. Malungkot talaga and ‘di n’yo alam kung anong pagpapasaya ‘yung naidulot n’yo sa buhay ko. At saka ‘yung mga dasal n’yo, I think it’s very effective.

“Hot lemon and ginger, ‘yun ‘yung iniinom ko. Basta kahit anong advice nga nu’ng mga kakilala namin, tina-try na namin. Wala namang mawawala. Madalas din akong naglalakad kasi mahirap din daw ‘yung kapag lagi kang nakahiga at palagi kang nakaupo. Basta be active pero hindi sobra to the point na papagurin mo ‘yung sarili mo,” sabi pa ng Bubble Gang at Pepito Manaloto host na patuloy sa pagpapalakas ng kanyang immune system,

Though madali raw siyang mapagod pero bumubuti naman daw ang pakiramdam niya : “Mabilis pa rin akong mapagod although hindi naman ako nahihirapang huminga. ‘Yung pagod ang medyo mabilis. I am getting better. Hindi pa rin 100 percent pero we’re getting there.”

Get well soon, Bitoy!

 

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with