Kaloka Tuesday na naman kahapon, at tuwing 12 to 1 ng hapon mayroon na naman tayong Take It… Per Minute, Me Ganun nina Cristy Fermin at Mr. Fu. Kung hindi lang talaga ito nagiging parang outlet ko sa anxiety ng pandemic, talagang hindi ako lalabas ng bahay, Salve.
Talagang sinabi ko na sa sarili ko na Tuesday lang, once a week lang ako lalabas, at hanggang Obra ni Nanay Gallery lang ako. Pag may meeting, sked ko ng after TIPMMG, at hindi na ako papayag ng ibang araw.
Totoo nga siguro na the less you go out, the better, kasi sobra na talaga ang bilis ng pagkalat ng COVID-19, parang hindi na matatapos agad ang pandemic na ito.
May gumagaling, tapos nagri-relapse, habang wala talagang gamot para sa COVID-19, hindi pa rin ligtas.
Pati si Michael V. positive na rin.
Ano ba iyan, kaloka, kahit mga ingat na ingat na ay tinatamaan pa rin, mas lalo na ang informal settlers na tabi-tabi ang bahay at sama-sama sa isang maliit na kuwarto.
Kung iyon ngang ingat na ingat na at may means sa lahat ng health protocols nararating pa rin ni coronavirus, ‘di lalo na ‘yung hindi makapag-social distancing dahil talagang walang space at pati na ‘yung hindi makapag-mask dahil nga nahihirapan pag may suot na mask dahil sobra sa sikip ang lugar nila.
Hindi pa lahat puwedeng uminom ng vitamins para lumakas ang immune system. Hay naku, mahirap na talaga, mukhang magtatagal pa ito talaga.
Get well soon Michael V.
50% puwede na sa mga resto
Simula ngayong araw 50 percent na ang puwede sa loob ng resto para kumain. Sana naman lahat ng restaurant mapuno ng 50 percent para sumigla ang resto business natin.
Mabuti nga at during the lockdown, nabuhay ang ilang resto sa pamamagitan ng take out at order via Grab, Lalamove, at Food Panda.
Ngayon na puwede na ang 50%, baka sakaling makagawian na rin ng tao ang meeting sa mga resto, o kaya mapadalas na rin ang dine out ng mga naiinip sa bahay. Sana naman, para kahit papaano mag-survive ang food at resto business.
Halika na, Salve, kain na tayo sa labas.