Catriona Gray sumugod sa NBI, 'photoshopped pic' niyang hubo't hubad inireklamo

Makikitang nasa National Bureau of Investigation (NBI) si Miss Universe 2018 Catriona Gray, ika-21 ng Hulyo, 2020, para ireklamo ang nagkakalat ng diumano'y pekeng hubo't hubad na larawan niya sa internet
The STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines (Update 1, 2:17 p.m.) — Nagtungo si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa National Bureau of Investigation (NBI) upang ireklamo ang mga nagpapakalat ng diumano'y pekeng hubo't hubad na larawan niyang kumakalat sa Internet.

Sinasabing pumunta roon ang Filipina-Australian beauty queen bandang 1 p.m. para kitain si NBI deputy director Vicente de Guzman, kaugnay ng posibleng kaso laban sa malisyosong nag-upload ng larawan, bagay na minanipula diumano gamit ang editing software na Photoshop.

Sa dalawang litratong magkahiwalay, makikitang walang saplot pang-itaas ang isang babae na may mukha ni Catriona habang nakatingin sa salamin.

Ang ikalawa naman, hubong larawan na ipinakikita lang ang pang-ibaba. Hindi kita sa ikalawang larawan ang mukha ni Cat.

Una nang sinabi ni Joji Alonso, abogado ni Cat, na nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para mapanagot ang mga nasa likod nito: "We will likewise take legal action against those involved in the manufacture and publication of said photo."

"We are actively coordinating with authorities to hold accountable whoever is behind this scheme and face penal sanctions accordingly," ani Alonso.

"We want to inform the public that the photo is fake and digitally altered. We strongly denounce this vicious attempt to tarnish the good name of Ms. Gray."

Kamakailan lang nang basagin ng aktor at nobyo ni Cat na si Sam Milby ang kanyang katahimikan, matapos ang mga viral social media stories ni Clint Bondad, na ex-boyfriend ng beauty queen.

Basahin: Sam Milby breaks silence to defend Catriona Gray days after viral Clint Bondad posts

May kinalaman: Clint Bondad namedrops Catriona Gray, Sam Milby in Instagram saga

"[T]hese defamatory lies are dangerous," sabi ni Sam, na nakilala noon sa reality TV show na "Pinoy Big Brother."

"I will always be here for her and will do everything in my power to protect her." — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag at The STAR/Rey Galupo

Show comments