COVID-19 testing kit ng UP, kulang sa suporta
Bakit nga ba may issue sa mga naimbento na COVID testing kit ng University of the Philippines? Bakit hindi ito bigyang-suporta ng Department of Health para magbigay ng inspiration sa mga scientist natin na mas lalo pang gumawa ng mga makabagong paraan sa mga nagaganap na sitwasyon sa ngayon.
Nakapasa na ang COVID testing kit ng UP sa pamantayan ng World Health Organization at ng ibang tumingin dito, ano pa ba ang hinihintay ng DOH para gamitin ito at makinabang ang marami?
Sabi pa nga sa balita, mas mura ito kaysa sa made in China kit, bakit hindi ito ang gamitin.
Nakakahinayang na ang mga mahuhusay nating students at professors na gumagawa ng paraan para makatulong, hindi tinutulungan ng mga ahensiya sa panahon ngayon na mas kailangan natin ang tulong ng sariling atin.
Kailangan pa ang maraming testing, kailangang madaliin para huwag na dumami ang infected, kaya magdesisyon agad, huwag nang patagalin, para rin iyang justice delayed is justice denied, aanhin pa ang gamot kung patay na ang pasyente.
Action na agad please.
Trusted staff ni Sec. Mark, nagka-COVID din
Dahil nagkaroon ng coronavirus si DPWH Sec. Mark Villar, siyempre ang kanyang eternal trusted staff na si Anna Mae Lamentillo ay tinamaan din ni corona.
Naku talagang sa halip na mabawasan ang mga biktima ng COVID-19 lalo pang dumarami ha.
Hindi mo na nga alam kung bakit parang hindi nababawasan, lalo pang dumarami. Katakot dahil ‘yung mga hospital natin ay nagsabing nasa critical stage na sila, talagang wala nang mapaglagyan. In fact, nabalita na ang isa na tinanggihan ng tatlong hospital dahil walang bakante, sa loob ng ambulance nag-stay for two days.
Grabe naman, kung kailan naman nadagdagan ang trabaho ni Sec. Mark Villar dahil itinalaga siya na magtayo pa ng dagdag na quarantine facility saka naman tinamaan ng virus at ngayon nga pati ang trusted staff na si Anna Mae ay mayroon na ring COVID-19.
Naku hah, ayaw tumigil ni corona sa pagkakalat ng virus niya, kalokah!
Isyu kina Clint at Catriona, nagiging cheap na
Nagiging pangit na ang mga eksena sa Catriona Gray at Clint Bondad issue ha.
Ngayon mayroong photos ng mga hindi kagandahan tungkol sa dalawa. Photo ni Clint na mayroon daw kasama na tranny sa kama, at nude pictures naman daw ni Catriona.
Hindi naman siguro sa dalawa nanggagaling ang photos na ito. Hindi rin naman siguro gugustuhin ng dalawa ang ganitong scandal.
Sana maging civil at maayos na ang lahat, kasi sa huli silang dalawa rin ang affected, silang dalawa rin ang masisira. Sayang naman.
- Latest