Alam mo, Ateng Salve, kung maraming mga artistang mahilig mag-PDA (public display of affection), ibahin mo ang reel and real sweethearts na ito.
Kahit matagal-tagal na rin ang relasyon nila at magkasama sila sa isang project, hindi mahilig mag-PDA ang dalawa.
Behaved na behaved nga raw ang dalawa sa set ng kanilang project.
In fairness naman kasi kay girl, wala naman sa image niya ang may pagka-flirty-flirty, kaya hindi nakakapagtaka kung hindi sila nagpi-PDA ng kanyang boyfriend na aktor, huh!
Malayo nga ang dalawa sa ibang showbiz sweethearts na kulang na lang ay maglingkisan sa harap ng mga kasamahan nila na parang walang ibang nakakakita, ‘noh?!
Of course hindi na natin alam kung may ginagawa ba sila in public, pero out na tayo sa bagay na ‘yon. Basta ang maganda sa mag-sweethearts, hindi nga sila nagpi-PDA!
Mga sasaling singer sa tinig ng bayan, inaabangan
Sa Monday next week (July 27), 3-6 p.m. na ‘yung Tinig ng Bayan (SONAgkaisa Concert) na lalahukan daw ng favorite Filipino artists.
Tinanong ko si OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit) President Ogie Alcasid tungkol doon.
“Aware ba siya sa nasabing event?” tanong ko.
“Yes, kaya lang may Mondays with Kuya O ako (ang kanyang online show),” sagot niya, kaya hindi nga raw siya makaka-join doon.
Tinanong ko rin ang isang taong kasama sa team ng isang sikat na singer/actress tungkol doon. “Wala akong alam. Hindi ko nakita sa schedule ni _____ (pangalan ni singer/actress) ‘yung tungkol doon,” sabi ng kausap ko.
So, sino-sino kaya ang mga kasama sa Tinig ng Bayan (SONAgkaisa CONCERT)?
Ruffa lagi nang may panahon sa pamilya
Kahapon after lunch ay kinumusta ko si Ruffa Gutierrez at kaagad naman siyang sumagot. “At White Plains. Making chika-chika!” sabi ng isa sa stars ng Love Thy Woman ng ABS-CBN Kapamilya Channel.
Napa-wow ako.
At least, basta may pagkakataon, dinadalaw ni Ruffa ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa old house nila.
Kahit hindi na nga nakatira doon si Ruffa, basta nami-miss niya sina Tito Eddie at Bisaya, pumupunta siya roon para makipag-bonding sa kanila.
Madalas na kasama rin ni Ruffa sa pagdalaw doon ang mga anak na sina Lorin at Venice.
At least sa panahon ng COVID-19 pandemic, iba pa rin ‘yung nakakasama mo ang pamilya mo!
‘Yun na!