Nakaka-insecure si Zia Dantes dahil at her age, marunong nang mag-bake ng cookies, of course, ang inang si Marian Rivera ang nagsu-supervise and do most of the work, pero katulong pa rin si Zia.
Ang caption kasi ni Marian sa post ng cookies na ginawa nila ni Zia ay “One way to bond with your little one is in the kitchen. So proud of Ate Z for making these yummy cookies. What should we make next?”
Ang isa pang photo, hawak ni Zia ang cookies na katulong siya sa pagbe-bake.
Dahil mahusay magluto si Marian at alam mag-bake ng cakes, cookies at kung anu-ano pa, lalaki si Zia na maraming alam sa kusina.
Sarah mas inuna pa raw ang pagbi-bake
Agad nahulaan ng mga nakabasa sa blind item ng isang scriptwriter ng ABS-CBN na si Sarah Geronimo ang tinukoy nito sa tweet na “Mahal ka namin, pero jusko naman! Sa gitna ng pagkawala ng trabaho ng mga Kapamilya mo, nagbi-bake ka ng cake?!” dahil that day, pinost ni Matteo Guidicelli sa Instagram ang Soufflé Cheesecake at may caption na “Japanese Soufflé Cheesecake by Sarah Guidicelli. #proudhusband.”
Mabilis ang sagot ng fans ni Sarah at ipinagtanggol siya at mabilis din ang sagot ng Kapamilya fans na umaming disappointed sila sa pananahimik ni Sarah sa isyu ng ABS-CBN na hindi nabigyan ng bagong prangkisa.
May mga nanghihinayang sa pananahimik ni Sarah sa isyu dahil malawak ang kanyang fan base at malaki ang maitutulong ng fandom nito para iparating sa gobyerno ang hinaing ng network, Kapamilya stars at pati na ng fans.
May mga nagsabi namang hindi man open sa kanyang suporta si Sarah, ipinagdasal naman nito ang ABS-CBN. Pero nakulangan ang fans at may tumawag pa sa kanyang insensitive dahil wala nga silang nakitang suporta nito sa kanyang home network kahit pa sabihing sa Viva Artists Agency siya may kontrata.
Kaya may mga nag-react sa pa-hashtag ng fans ni Sarah na #ProtectSarahAtAllCost, bakit daw siya poprotektahan eh, tahimik nga sa isyu. Ang bagay daw sa hashtag na ito ay si Angel Locsin na lumalaban, nag-iingay, nagsasalita at lumalabas para lumaban.
Para sa fans, hindi nakatulong ang post ni Matteo ng lighted candle sa may bintana ng bahay nila ni Sarah bilang pakikisimpatiya sa ABS-CBN at sinabing ipinagdasal niya ang empleyado ng network na mga nakatrabaho niya.
Alessandra nanghinayang sa bayad sa Tears in Heaven
Binati ng happy birthday ni director Rico Gutierrez ang GF na si Alessandra de Rossi na birthday kahapon, July 19.
Pinost ni direk Rico sa kanyang Instagram ang two photos ni Alex na “Happy birthday @msderossi” lang ang caption.
Ang daming bumati kay Alex sa IG ni direk Rico na Kapuso stars, patunay na mahal ang aktres saang network man siya magtrabaho. Aliw ang sagot ni Alex sa birthday greetings sa kanya, parang kaharap lang ang bumati.
Sa isang photo ni Alex, kasamang na-post ang kuwento nito sa theme song ng movie nila ni Paolo Contis na Through Night & Day.
Sabi ni Alex, “Producer slash writer din ako nung film. I asked how much it would cost if we bought the rights to a song...Around $10,000 daw. Ay!!! Ako na lang! Libre pa!”
Ang nabasa namin, gusto sana ng production team na gamitin ang Eric Clapton song na Tears In Heaven pero hindi ito pumayag dahil para sa anak niyang nahulog from a condo ang nasabing song, kaya ang I Will Be Here ang ginamit.
Plus, may iba pa raw song sa movie na sina Alex at Paolo ang kumanta.