^

PSN Showbiz

Video ni Clint na may kasamang bading sa kama, pinagpapasa-pasahan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Video ni Clint na may kasamang bading sa kama, pinagpapasa-pasahan
Clint
STAR/ File

Pagkatapos ng paasa ni Clint Bondad na may pasabog siyang ilalabas, nag-post naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram account na obvious na patungkol sa binabalak na pasabog ng dating boyfriend.

Aniya; “The weapon may be formed but it won’t prosper. When the darkness falls it won’t prevail.

“Cause the God I serve knows only how to triumph. My God will never fail.”

Sabi ng ilang dating nakatrabaho ni Clint, mukhang naaaning-aning na ito na maaring dala na rin ng depression.

Nagtanong nga ako sa GMA Artists Center kung may kontrata pa sa kanila ang model/actor, at kung iyun ba ang sinabi niyang kontratang sinunog niya.

Nilinaw sa amin ng taga-GMAAC na  matagal nang tapos ang kontrata ni Clint sa kanila.

Isang taon lang daw ang pinirmahan nito.

Kaya kung iyon mang kontrata ang sinasabi niyang sinunog, dapat na nga sigurong sunugin dahil wala na itong silbi.

Medyo ang weird na nga raw ng dating ni Clint sa kanila, dahil sa pinanggagawa nito.

Kahapon naman ay kumalat ang isang video na kung saan may kahalikan si Clint na isang babae sa kama. Ang sabi ng ibang nag-forward sa akin ng naturang video, transvestite daw ang babaeng iyun.

Parang boses bading nga kung magsalita, pero wala namang makapagkumpirma kung tranny nga ang kahalikan ni Clint habang pareho silang nakahiga sa kama. Baka ang ending  nito, mga pasabog laban kay Clint ang mabubunyag dahil wala naman siyang pasabog sa magkasintahang Sam at Catriona.

MMFF tuloy sa pasko

Tuloy pa rin ang Metro Manila Film Festival sa darating na Pasko na ihu-host ng Quezon City.

In-announce ng Executive Committee ng MMFF ang apat na script na pasok sa walong pelikulang kalahok.

Isang Vice Ganda movie uli ang papasok, ang Praybet Benjamin 3 na wala pang ibang detalye gaya ng direktor at kung sino ang makakasama niya.

Pasok ang huling obra ni direk Peque Gallaga na Magikland na isinabmit din na noong nakaraang taon. Sa ilalim ng direksyon ito ni Christian Acuña na pinamahalaan nina direk Peque at direk Lore Reyes.

Ang Brighlight Leisure Productions, Inc. ni dating Neg­ros Occidental Congressman Albee Benitez ang producer nito.

Binuo nila ni direk Peque ang pelikulang ito para sa itinayong theme park ni Cong. Albee sa Silay na Magikland.

Kaya tiyak na masaya ang selebrasyon ng mga taga-Negros. Ito ang pinakamalaking theme park sa Kabisayaan.

Pasok na rin ang entry ng Regal Films na isang horror ni direk Chito Roño, ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, na bida  si Joshua Garcia.

Tuluy-tuloy na raw ang shooting nila ngayon ng pelikula.

Medyo mahirap nga sa kanila dahil sa social distancing at mga safety guidelines para makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19.

Ang pang-apat ay ang horror-co­medy ng TinCan Productions na The Exorcism of My Siszums na pinagbibidahan naman ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Ang dating PBB housemate na si Fifth Solomon ang direktor nito na sobrang excited dahil first time niyang makapasok sa MMFF.

“Sinulat ko ang istorya na nakabase sa mga limitasyon at sa mga patakaran pagdating sa pagsu-shoot ngayong GCQ. Para na rin siyempre sa kaligtasan ng lahat,” pahayag ni direk Fifth nang nakapanayam namin.

Ito rin ang pangamba ng karamihang producers dahil hindi nga naman natin tiyak kung hanggang kailan matatapos ang pagkalat ng COVID-19.

Binigyan ng chance ang entries ng Summer Metro Manila Film Festival na i-submit, pero mawawala na raw ang slot nila sa MMSFF next year.

Hesitant si Cong. Alfred Vargas kung isasali niya ang kanyang Tagpuan dahil nakakatakot pa rin daw itong pagkalat ng COVID-19. “Super unpredictable kasi nitong COVID. Grabe!” text niya sa akin nang tinanong ko kung ano ang plano niya sa kanyang pelikula.

Sa totoo lang, nakakatakot naman talaga, at walang makakatiyak na magiging normal na talaga sa darating na December.

Let’s hope and pray na matapos na itong pagkalat ng COVID-19 para mabalik na sa dati ang ating buhay.

Sana may magawa na talaga ang mga namumuno sa ating bansa, lalo na si DOH Secretary Francisco Duque na wala pang konkretong plano na masugpo sa pagkalat ng COVID-19.

CLINT BONDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with