^

PSN Showbiz

MOR at ABS-CBN Sports, hindi na rin eere

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
MOR at ABS-CBN Sports, hindi na rin eere
DJ Cha-cha

Last 45 days na lang din ang MOR 101.9, ang FM radio station ng ABS-CBN.

Kaya naman nagluluksa si DJ Chacha na sa nasabing FM radio station nakilala at nagkapangalan.

Kahapon sa kanyang Instagram post, hindi pa rin daw siya makapaniwalang maggo-goodbye siya sa kanyang first love. “One of the lowest points of my life. I still can’t believe I have to say goodbye to my first love. My forever love. My dream job. 12 years. This is not just work for me. This not just about money. I LOVE THIS STATION SO MUCH. Really really really brokenhearted right now. Maswerte pa rin ako nandito ang asawa’t mga anak ko sa tabi ko to hug me. Sending hugs to all the Kapamilya Employees who are also experiencing the same pain that I’m ­going through now. Lord, alam kong may mas maganda kang plano para sa aming lahat. Yakapin mo ang bawat isa sa aming lahat. Mahirap magpasaya ng nagdurugo ang puso pero kakayanin namin ito. We will give our best! Last 45 days para magpasaya mga kaMORkada. Last 45 days to say “MOR 101.9 my only Radio For Life!”

Nauna  na ngang sinabi ng ABS-CBN na star­ting August 31 ay magtatanggal na sila ng mga empleyado.

Samantala, ayon sa tweet ni Karen Davila, 18 FM stations pala ang network ang magsasara.

“Dear @mor1019chacha giving you a virtual hug right now at sa lahat po ng apektado ng ABSCBN radio division. 18 FM stations and 5 AM stations will be shutting down.”

Maging ang ABS-CBN Sports ay mawawala na rin sa ere. “That’s it. ABS-CBN Sports officially signs off. Love you fam  @abscbnsports thank you for everything,” ayon naman sa tweet ni Gretchen Ho kahapon.

Grabe, talagang massive ang epekto ng ­shutdown ng ABS-CBN.

Hindi lang actually ang emplo­yees ng network ang apektado kundi ang mga restaurant din around the area ng compound nito.

May ilang nagsara na at ang mga natitira raw na open pa ay wala na halos kinikita.

Wish.. may kurot sa puso 

Mainit ang naging pagtanggap ng viewers sa pagbabalik-ere ng Wish Ko Lang! nitong Sabado at talaga namang ‘wish granted’ ang mapanood muli si Vicky Morales bilang  ‘fairy godmother’.

Napapanahon nga ang bagong Wish Ko Lang! na hatid ay pag-asa at inspiras­yon sa atin sa gitna ng pinagdadaanan natin ngayon.

May kurot sa puso ang episode noong Sabado kung saan tampok ang kuwento ng isang ina na kinailangang mamasukan bilang construction worker upang itaguyod ang pamilya matapos ‘di makauwi ang asawa dahil sa community quarantine.

DJ CHACHA

MOR 101.9

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with