‘RM’ ni Barbie, nanghihingi ng pagkain sa online sellers

Barbie

Naku, nakakaloka talaga ang ibang mga manloloko lalo na ngayong may COVID-19 pandemic, huh!

Ang karaniwang nabibiktima ay ‘yung mga online seller na gustong mai-post ng mga celebrity ang mga paninda nila.

Kahapon nga ay nag-react ang nanay ni Barbie Forteza dahil biktima raw ng isang nagpapanggap na RM (road ma-nager) ng kanyang anak ang ilang nagbebenta ng pagkain sa online.

Sa palitan namin ng Viber message ni Mommy Amy Forteza ay halatang iritable siya sa nanggagamit sa kanyang anak.

Hindi nga raw nila kilala ang “Michelle Fuentes” na nagpapakila-lang RM ni Barbie.

“Hindi po namin kilala ang taong ‘yan na nagme-message sa mga nagtitinda online at nagpapanggap siya na RM ni Barbie at ipo-post ni Barbie kapag nagpadala ng pagkain sa amin.

“Ako po mismo ang nagsasabi sa anak ko na kapag may gusto siya at o-order siya online, magbabayad siya. Sabi ko kay Barbie, magbabayad siya dahil kailangan ng mga tao ng pera nga-yon. Nakakainis po!” pahayag ng nanay ni Barbie.

Sabi pa ni Mommy Amy, ang handler daw ng kanyang anak ay si Diane Evangelista ng GMA Artist Center at hindi nila ginagawa ang ganoon.

“Sana naman po, tigilan ‘yung mga ganoong panloloko sa mga nagtitinda online.

“Kawawa naman po ‘yung mga tao. Kawawa rin po ang mga artistang nagagamit ng mga manlolokong ‘yon!”

Pero may mga artista naman talaga na pinadadalhan ng ilang mga nagtitinda online ng mga paninda nila at ipino-post sa mga social media account nila pero ang karaniwang sistema ay nagdi-direct message ang mga ‘yon sa verified social media accounts ng mga artista at kapag pumayag ang artista, saka sila nagpapadala.

May mga artista naman na hindi pumapayag sa ganoong sistema at kung may gusto silang order-in na pagkain sa mga nagtitinda online ay nagbabayad sila.

So, beware!

Lock-in ng Walang Hanggang Paalam, walang pasaway

Smooth sailing daw ang taping ng Walang Hanggang Paalam sa Subic.

Wala raw pasaway sa mga artistang kasama sa taping.

‘Yan ang itsinika sa akin ng isang may direct contact sa isang kasama sa cast. Ang alam din ng taong ‘yon, two weeks lang ang taping sa Subic at uuwi muna ang mga kasama sa taping at magla-lock-in na naman sila sa ibang location naman.

Ang ilan sa mga artistang kasama sa cast ng Walang Hanggang Paalam ay sina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Muñoz at Lotlot de Leon.

Well at least walang negative na tsika sa location taping nila, huh!

‘Yun na!

Show comments