Kim Idol six years naging walking time bomb
As of Monday evening, hindi pa alam ng mga kasamahan ni Kim Idol kung ano ang plano ng pamilya para sa kanyang burol.
Sabi naman ni Allan K nang nakausap namin sa DZRH noong Lunes ng gabi, definitely daw magkakaroon ng burol pero mahirap talaga sa panahon ngayon na maraming bawal.
Active member si Kim Idol sa Iglesia ni Kristo kaya hindi siya puwedeng i-cremate. “Pinag-uusapan nga namin sa Klownz at Zirkoh, parang hindi pa yata puwede.
“Inaalam pa kasi, hindi siya puwedeng i-cremate. Kasi, Iglesia ni Kristo siya eh. Eh parang hindi yata puwede. At the same time, bawal naman ang mass gathering. So hinihintay pa namin kung ano ang desisyon ng family, kasi hindi rin kami makapunta. Nag-uusap-usap kami kung paano. Kasi baka hindi naman kami makapunta.
“Basta one thing for sure, magkakaroon ng lamay,” pahayag ni Allan K.
Halos anim na taon na ang nakakaraan nang ikumpisal ni Kim sa kanila ang tungkol sa karamdaman niyang any moment may mangyayari na lang daw sa kanya. “Parang mas malala pa yan sa aneurysm eh. Sinasabi nga niya na para siyang walking time bomb, na any moment puputok na lang.
“Nag-usap pa kami nung Saturday na sabi niya happy naman daw siya sa ginagawa niya ngayon eh. Ang dami raw niyang na-realize sa buhay. Okay na raw siya sa ginagawa niya, na ganun daw talaga ang buhay. Masuwerte raw siya na buhay siya na ang iba nga tinatamaan ng COVID, eh siya hindi,” saad ni Allan.
Nitong naka-ECQ tayo naging active si Kim sa mga ginagawa ng mga kapatid niya sa INC na kung saan nagtrabaho siya sa Bureau of Quarantine ng Department of Health.
Masaya raw siya sa ginagawa niya bilang frontliner at kahit medyo delikado, gustung-gusto raw niyang nakakatulong siya sa mga pasyente ng COVID-19. Kahit na andun siya sa areas na delikado, feeling niya ginagabayan siya ni Lord, pinuprotektahan siya,” sabi pa ni Allan K.
Noong Lunes din ng gabi ay nagkaroon ng virtual show ang mga komedyante ng Zirkoh at Klownz sa kanilang Facebook account. Tribute na nila iyon kay Kim Idol.
Isabel nagpa-drug test, pinag-iisipang idemanda si Vivian
Ipinost ni Isabel Rivas sa kanyang Facebook account ang resulta ng drug test na ginawa sa kanya para mapatunayang hindi siya nagda-drugs. Tila iyon ang ipinapalabas ni Vivian Velez sa patutsada sa kanya na may pa-hashtag pa siyang #maTokhangKaSana.
Kaya ang haba ng hanash ni Isabel sa kanyang FB account nang ipinost nito ang kanyang drug test na negative siya sa kahit anong substance.
Marami ang nagpayo kay Isabel na dapat na idemanda niya si Vivian sa patutsada sa kanya, pero pinag-iisipan pa raw ng aktres.
Sabi naman ni Isabel, kung patuloy pa rin si Vivian sa pag-akusa sa kanya tungkol sa drug issue, baka idemanda niya.
Pero sa ngayon, wala raw sa isip niya ang demandahan na yan. “Wala akong planong pag-aksayahan siya ng pera at oras. Pero pag lumala eh bahala na. Basta ang hinaing ng puso ko na nalungkot ako para sa ating ka-industriya na nawalan ng hanapbuhay. Kahit kayo nga na press affected din sa pandemic na ito. Wala kayong mga presscon. Lahat affected, tapos aarte siya ng ganun?
“Presidente siya ng FAP, dapat umayos siya at hindi guluhin ang industriya…hatiin niya sa gobyerno at tayo sa industriya,” text niya sa akin.
Bahagi si Isabel sa Bilangin ang Bituin sa Langit ng GMA 7 na pinaghahandaan na pala ngayon ang pagbabalik nila sa taping.
- Latest