Wow, gustong maging client ng ex ni former Miss Universe Catriona Gray na si Clint Bondad si Sam Milby, na dyowa ngayon ni Catriona.
Pinakita ni Clint na mukhang ermitanyo ngayon ang hitsura dahil sa mahabang balbas ang sent direct message niya sa Kapamilya star na ‘want to become my client?” na may caption “how about we have a little chat.’
Makikita sa screenshot na wala pang reply si Sam.
Wait, ano bang negosyo ni Clint at gusto niyang maging client si Sam na nag-umpisa na uli ng taping para sa teleserye nila nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria and Maricel Soriano na Ang Sa Iyo ay Akin.
Though ‘yogi’ pala si Clint ngayon (a person who is proficient in yoga) kaya pag binisita mo ang Instagram account niya panay ang display niya ng super toned na katawan at ka-lookalike na siya ng isa sa writer / most influential people in India na si Sadhguru na isang yogi. At baka nga ‘dun niya gustong i–recruit si Sam, ang maging yogi rin.