^

PSN Showbiz

Pusong showbiz pinairal nina Ate Vi, Edward at Topher

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pusong showbiz pinairal nina Ate Vi, Edward at Topher
Edward
STAR/ File

Humanga ako kina Repsentatives Vilma Santos, Edward Maceda at Topher de Venecia sa pagboto nila ng No, Salve, sa franchise ng ABS-CBN. Talagang nanaig ang pusong showbiz nila, si Cong. Vilma na halos sa showbiz na lumaki, sina Cong. Edward at Topher naman na haligi na ng industry ang mga magulang na sina Manay Ichu Maceda at Manay Gina de Venecia.

Nanindigan sila dahil siguro talagang ang nasa puso nila ay ang pagmamahal sa mga taga-showbiz na taga-ABS CBN. Hanga ako sa paninindigan nila, sa pagsunod sa sinasabi ng puso nila. Showbiz really runs in their blood, they give back what they owe to the industry by siding with their colleagues. Salute. No wonder the industry loves you back.

Matagal pa siguradong usapan ang pagsasara ng ABS-CBN. Emotional pa ang marami, totoong nakakalungkot na mawalan ng trabaho, mag-isip kung ano ang magiging kinabukasan mo pag nawala ang inaasahan mo.

Pero isipin din natin na dapat tanggapin kung ano ang desisyon ng ating leaders, kung ano ang sa akala nila ay mas mabuti.

We voted for them, we put them in that position to lead us, so when they decide on things, we have to respect and follow it.

Bakit pa tayo bumoto? Bakit pa tayo namili? Bakit pa tayo mayroong hearing? Lahat naman pag may lumabas na desisyon, laging hati ang opinyon ng tao, mayroong may gusto, may ayaw. Pero dahil nga demok­rasya tayo, sundin natin ang anumang maging hatol.

Sobra ang dami ng boto ng Yes, as against sa boto na No, ibig sabihin majority. Ibigay natin ang benefit of the doubt sa naging pasya ng 70 na mambabatas.

Answerable sila sa kanilang actions, kaya let us wait and see kung tama ba sila o mali. Basta sa ngayon, kalmante lang, dagdag problema pa ang galit.

‘Mas maganda ang plano ng diyos’

Kung nakikinig at nagma-mass ka kay Father Tito Caluag sa Metro Channel, Salve, alam mo na every mass ay mayroong portion kung saan ipinagdarasal ang renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Ngayon ko naisip na siguro may plano si God kaya hindi ibinigay ang hiling na iyon sa dasal ni Father Caluag.

Siguro mas maganda at maayos ang mga plano Niya para sa pagbibigay muli ng franchise sa istasyon. Siguro nga kaya naging magaan ang loob ng mga Lopez sa pagtanggap sa nangyari, kaya sinabi ni Ernie Lopez na baka ito ang chance para maayos kung may mga pagkakamali sila, siguro nga kaya naging magaan ang lahat sa kanila.

If we believe in the powers of prayer magagawa rin nating hintayin ang magiging magandang resulta ng lahat ng ito. Kaunti pang pagtitiis at makikita na natin ang hinihintay nating mas maganda pa sigurong kaganapan.

Pag may hirap, may ginhawa, pag may dilim, may liwanag. Just wait.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with