Pinasok na rin ng YouTube power couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang JaMill ang pagkanta, at out na ang debut single nila mula sa Star POP na Tayo Hanggang Dulo kahapon.
Iikot ang makabagong love song sa mga pinagdaanan ng dalawa, mula noong magkakilala sila, hanggang sa mga pagsubok na hinarap at mga sakripisyong ginawa nila habang mas lumalim ang kanilang relasyon. Mensahe ng kanta na mayroong “forever” kung pagsusumikapan ito ng isang magkarelasyon.
Bagay rin sa kakaiba pero totoong mga vlog ng JaMill ang Tayo Hanggang Dulo, na mayroong nakakaantig na lyrics na sinamahan ng makabagong tunog na uso ngayon.
Sumikat ang JaMill dahil sa mga vlog nila sa YouTube. Kahit na dalawang taon pa lang ang nakalilipas simula nang i-launch nila ang channel, nakatanggap na sila ng maraming pagkilala bilang mga personalidad sa internet, gaya na lang ng pagiging pinakamabilis na channel na nakakuha ng isang milyon na subscribers sa YouTube buong Southeast Asia. Mahigit isang bilyon na rin ang kabuuang views ng kanilang channel, at nanguna rin sa mga local Youtube Vlogger sa Pilipinas.
Matutuwa naman ang mga fans ng JaMill o ang mga Mandirigma dahil magdaraos ng fan fest ang dalawa kasabay ng paglabas ng kanta nila. Sa loob ng isang oras, mapupuno ng masasayang laro, interviews, at iba pang aktibidad ang Tayo Hanggang Dulo, JaMill (Mandirigma Day). Selebrasyon din ito dahil kamakailan lang ay umabot na sa 10 milyon ang subscribers ng JaMill sa kanilang YouTube channel.
Kumuha ng inspirasyon sa relasyon ng JaMill sa kanilang debut single na Tayo Hanggang Dulo, na mapapakinggan na simula Hulyo 24 (Biyernes) sa iba’t ibang digital streaming platforms. Mabibili naman ang ticket sa Tayo Hanggang Dulo, JaMill virtual fan fest sahttp://www.ktx.abs-cbn.comsa halagang P199.00.