Klinaro ni Gretchen Barretto na solid DDS niya.
Ito ay matapos kumalat ang tweet ng isang @realgretchenb account na fake account pala.
Ang unang tweet nga kasi ng nagpakilalang Gretchen ay “The hashtag is the tweet. #OustDuterteNow.”
Ang second tweet ay ang supposedly pagsuporta nito sa franchise renewal ng ABS-CBN. “11 brave congressmen who truly [represent] the people.” Habang tinawag na ‘pig’ ng naturang account ang 70 kongresista na pumabor sa pagbasura ng franchise application ng dating network ni Gretchen. “This is a FAKE Twitter ACCOUNT! I DO NOT HAVE A TWITTER ACCOUNT. I AM PRO DUTERTE,” ang mabilis niyang denial sa kanyang Instagram account.
“THIS IS A FAKE TWITTER ACCOUNT!!! I Have Not made a single statement regarding congress & abs cbn,” ang dagdag niyang denial habang naka-post ang naturang account.
Kilala naman talagang pro-Duterte si Gretchen at family friend nila ang pangulo.
Maalalang dumalo pa si Pres. Duterte sa wake ang father nilang si Mr. Mike Barretto last year at nadawit pa nga ito dahil sinubukan raw ng pangulo na pag-ayusin sila ng mga kapatid niyang si Marjorie.
Maalala ring nakasama na si Gretchen sa Japan business trip ng pangulo.
Limited lang ang puwedeng mag-comment sa IG post ni Gretchen at ang comment lang ni Rita Avila ang nababasa: “ You are right, no single statement made,” na nabigyan ng ibang meaning dahil nag-comment uli si Rita ng “Hmmm, I think some didn’t get my comment right. I am supporting Gretchen for her truthful caption. Totoo ang sinabi niya.”
This account doesn’t exist na ang @realgretchenb nang i-check ko kahapon.
Dati ngang Kapamilya star si Gretchen at kasama sa mga naging programa niya ang Princess and I.
By the way, nakabalik na pala sa Pilipinas ang anak niyang si Dominique kasama ang boyfriend nito at alaga nilang aso na tinuturing niyang apo. At kahapon nga ay nag-upload si Ms. Greta ng video na niyayakap ang anak dahil negative ito sa COVID-19 test. Meron din itong IG story na nagpapatawag ng lola at lolo sa partner niyang si Tony Boy Cojuangco sa napakalaking alagang aso ng kanilang nag-iisang anak.
AKTOR nila Dingdong napapagkamalang aktibista!
Parang kailangan nga ng rebranding ng AKTOR (League of Filipino Actors).
Well, parang aktibista kasi ang dating nila.
Saka siguro sa choice of words, baka puwedeng medyo hindi palaban ang gamitin nila. Or puwedeng matapang ang dating pero light lang.
Isa ang nasabing grupo sa naglabas ng letter of support sa malungkot na kapalaran ng franchise renewal ng ABS-CBN sa Congress na ipinagluluksa ngayon ng 11,000 employees ng network at hindi pa alam kung kailan mare-renew para makapag-operate uli. Kasi kung magre-refile daw ngayon, magiging useless lang dahil the same people pa rin ang boboto.
Anyway, narito ang pahayag ng AKTOR na pinamumunuan ni Dingdong Dantes.
“Kami ang AKTOR.
“Ipinapahayag namin ang mariing pagtutol sa pagkakait ng Kongreso ng franchise sa ABS-CBN.
“Nakikiisa kami sa mga kapwa naming actor at sa marami pang manggagawa ng network na mawawalan ng hanapbuhay dahil sa desisyong ito.
“Nakikidalamhati kami sa milyon-milyong Pilipino na pinagkaitan ng kanilang libangan at malayang daloy ng impormasyon o balita.
“Kaisa kami sa panalangin na sana ay matapos na ang dilim na lumalambong sa ating bansa at pakinggan ng ating mga pinuno ang tinig ng mamamayan.
“Kasama ng ating mga Kapamilya ang AKTOR sa patuloy na paglikha para sa ating mga kababayan,” end of statement na walang nakapirma o banggit ng members.
Aside from Dingdong, kasama sa AKTOR sila Angelica Panganiban, Agot Isidro, Iza Calzado, Richard Gutierrez among others.