Jessy sasabak sa cooking show

Jessy Mendiola
STAR/ File

Pinaka-jackpot ngayong panahon ang mga baking supplies store.

As in buhos ang mga namimili dahil nga iyon ang pinakamadaling gawing negosyo sa kasalukuyan. Yes, kanya-kanya ngang gawa ng cake and cookies ang mga nag-stay at home. Yung iba ube pandesal ang nilalantakan kaya talagang dagsa ang mga namimili ng baking supplies.

Speaking of cooking, cooking show pala ang magiging show ni Jessy Mendiola sa TV5 kasama ang isang chef.

Yup, hindi naman pala sa GMA 7 mapapanood ang next show ng dyowa ni Luis Manzano kundi sa TV5.

Blocktimer lang ng network ang producer ng programa.

May tinanungan ako tungkol dito at oo nga raw, kasado na ang nasabing programa ni Jessy. Kung sabagay kailangan din namang kumita ni Jessy dahil matagal na rin siyang walang trabaho.

Maalalang muntik na rin siyang lumipat sa GMA 7 pero naudlot nga lang.

Nanghihinayang kaya siya?

Kapamilya itinangging nanuhol!

Inaasahang ngayong araw na raw talaga, ang ‘Yes or No’ para sa ABS-CBN. Unless diumano nga i-dribble pa ito sa Congress.

May isang naglabas ng number of votes kahapon pero ayon sa isang ka-chika kong congressman : “It was ‘leaked’ daw by a a Congressman. You’ll see, Salve, ibang-iba ang lalabas sa actual votes sa sinasabi ng list na ‘yan. Very misleading,” sabi ng isang kongresista na kasama ang pangalan sa mga nag-Yes sa nasabing diumano’y leaked information.

So may chance kayang until July 17 pa malalaman ang result ng botohan ng Committee members? “If there’s a voting today, lalabas din agad ang results niyan,” sagot pa ni Congresswoman.

Ahhh so talagang kakabog-kabog ang dibdib ng lahat sa resulta ngayong araw.

I believe na tama ang mga sinasabi ni Cong. dahil kabilang siya sa committee member para sa pinag-uusapang franchise renewal ng network.

Samantala, itinanggi ng ABS-CBN na nanuhol sila para lang makakuha ng franchise.

Nakasaad sa kanilang inilabas na statement kahapon na “ABS-CBN did not send an emissary to bribe any lawmaker to vote in favor of our franchise application.

“We believe in the process and we have participated in the process. We answered all issues raised in the past 12 hearings.”

Well, parang too late na nga naman para manuhol ng P200 million.

Kumilos na rin ang fans club nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla para magkaroon ng milagro at makakuha ng panibagong franchise ang home network ng on and off cam loveteam para makapag-operate uli for 25 years.

Ginamit nila ang hashtag na #WeAppealAsone, #VoteYestoABSCBN and #IbalikangABSCBN, na agad-agad nag-trend.

Ang Channel 2 nga naman ang nagpalaki ng pangalan ng KathNiel.

Anyway, natapos na last Monday ang last congressional hearing – 12th -  at pinag-usapan na ang lahat ng issues para sa kanilang hinihiling na franchise.

Pero kung magiging malupit nga ang kapalaran, mapupunta sa iba ang frequency ng ABS-CBN kung saan may mga nakapila na raw at nag-a-apply sa National Telecommunications Commission (NTC).

At kung anong set up ngayon ng ABS-CBN ay ganun na rin diumano ang magiging set up ng network sakaling hindi nila makuha ang pinaka-mimithing yes. Magiging content provider sila at tututukan nila ang digital platforms.

Pero kumakapit pa rin sila sa milagro at Divine intervention.

Show comments