May heart condition
Mayroong kondisyon sa puso ang anak nina Zsa Zsa Padilla at Dolphy na si Nicole. Ayon sa singer ay naisugod niya sa ospital ang anak ilang buwan na ang nakalilipas. “She just sent me a text. Sabi niya, ‘Mama, my heart rate is so fast.’ Sabi ko, ‘Where are you?’ Sabi niya, ‘I’m home.’ Sabi ko, ‘I’m going to get you. I will pick you up and I will bring you to the hospital,’” kwento ni Zsa Zsa.
Nagpigil umano ng emosyon ang singer noong mga oras na nasa ospital kasama si Nicole. “When you break down, magbe-breakdown din ‘yung anak mo at nenerbiyusin din. So you have to be strong. Luckily, napakapuno ng ER no’ng araw na ‘yon at may covid na no’n. Swerte lang kami na hindi pa lockdown.
They already knew na nagkakaroon siya ng thyroid blast or thyroid storm. And it’s very deadly, that’s what they say kasi lahat ng sintomas lalabas na. May fever ka, ‘yung heart mo mabilis hindi ka makahinga. Maya-maya sinabi ilalagay sa ICU so buti na lang dumating ‘yung boyfriend niya and si Conrad (Onglao, kasintahan ni Zsa Zsa). So sabi ko I’m just going to the bathroom. When I went to the bathroom, doon na ako umiyak. I prayed so hard. Paglabas ko they said she’s already responding to the medication. So she doesn’t have to be in the ICU. Sa regular room na lang siya,” pag-dedetalye ng singer.
Sa ngayon ay naggagamot pa rin si Nicole at kinakailangang magdesisyon kung sasailalim sa radiation therapy o sa isang operasyon sa mga susunod na linggo o buwan.
Kathniel, gustong magpatayo ng hotel
Kahit abala bilang mga artista ay may kanya-kanyang negosyo na rin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Walong taon nang magkasintahan ang dalawa at nangangarap na ngayong magtayo ng isang negosyo bilang mag-asawa. “Dream namin ni DJ na magkaroon ng breakfast place. Dream ko kasi magkaroon kami ng parang boutique hotel at farm. Ako mag-manage no’n, ako magluluto. Gagawa ako ng mga rice bowls, ganyan. Tapos siya, tutugtog lang siya doon,” pagbabahagi ni Kathryn.
“Ipagluluto namin sila, ganoon lang. Someday iyan ang goal namin,” dagdag naman ni Daniel.
Bukod sa pangarap na negosyo ay napag-uusapan na rin ng magkasintahan ang tungkol sa bahay na kanilang ipagagawa at titirahan bilang mag-asawa. “Siyempre dream namin ‘yung bahay namin in the future. Pero hindi pa naman talaga iyon mangyayari kasi it’s too early. Pero of course, nando’n ‘yon sa wish list namin,” pagtatapat ng aktres.
Naniniwala naman si Daniel na talagang kailangan nilang paghandaan ng aktres ang kanilang kinabukasan. Kaya naman pinagbubutihan nila ang kabi-kabilang trabaho o proyekto na ginagawa upang makaipon habang may kakayahan pang maghanap-buhay. “Kaya nga tayo nagtatrabaho dahil mayroon tayong kaila-ngang asikasuhin for the future. Kailangan nating gawin na ngayon para sa panahong gusto mo na rumelaks, pwede mo na alagaan ang sarili mo. At siyempre ang partner mo,” paliwanag ng binata. (Reports from JCC)