^

PSN Showbiz

Alfred kinuyog!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alfred kinuyog!
Alfred
STAR/ File

Nagtataka ang ilang kongresista kung bakit hindi pa nga sila umabot sa summation at botohan, meron nang naglabasang listahan kung sino sa kanila ang magye-yes o magno-no para sa prangkisa ng ABS-CBN 2.

Kagaya ni Cong. Alfred Vargas ng district 5 ng Quezon City, nagulat siyang kahit sa TikTok ay siya pa ang nangunguna sa magnu-‘No’.

“That’s not true! That’s fake news. I don’t know saan nila nakuha yang listahan na yan. I will release my statement soon,” sagot niya sa akin nang tanungin ko  tungkol diyan.

Kahapon sila nag-summation at maaring ngayong araw  sabi rin sa amin ni Cong. Dan Fernandez ng Laguna, kaya hindi rin daw totoo iyon.

“Tingin ko hindi accurate. Pakiramdam lang nila yun. Siyempre, kanya-kanyang point of view. Kanya-kanyang parang perception sa members ng committee na siguro iyun ang feeling nila na iyun ang boto nila.

“At the end of the day…yang vote na yan puwedeng magbago yan eh.

“Puwedeng mag-yes, puwedeng mag-no. Depende dun sa nararamdaman at base sa imbestigasyon na nagawa natin at sa walong issues na na-present sa committee hearing,” pahayag ni Cong. Dan nang nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules ng gabi.

Kaya abangan na lang daw dahil karamihan daw sa mga kongresistang boboto ay pagkatapos pa ng summation ang decision kung bibigyan o hindi ng prangkisa ang pinakamalaking broadcasting network.

Samantala, kung ano man ang kahihinatnan ng ABS-CBN 2 sa botohan sa Kongreso ngayong araw, marami na ring mga bagong programa ang binubuo ngayon na mapapanood sa TV5.

May tini-tape na raw ngayon na game show na ihu-host ng isang Kapuso artist.

Meron ding binubuong talk show na tatlo ang kukuning host na merong manggagaling daw sa Kapamilya network.

Bago matapos ang buwang ito ay malinaw na kung anu-anong mga bagong shows ang mapapanood sa TV5 na karamihan ay tatampukan ng mga Kapamilya artist.

Sobrang higpit daw sa studio ng TV 5 kapag nasa taping na kung saan limitado ang number ng mga taong involved at hindi sila allowed na pakalat-kalat sa studio. At  meron daw designated spot para sa bawat artista at mga staff.

Medyo mahirap pero kailangan daw nilang mag-ingat lalo na’t pataas nang pataas ang datos ng COVID cases. Nakadagdag pa ng kaba nang nabalitaang may mga nagpositibo na sa taping ng ilang teleserye.

Meron na nga raw isang aktor na nahawa at isang lightman. Bukod pa dun, meron din sa isang teleserye na kailangan na rin daw ma-pack-up dahil may dalawang staff na ring nagpositibo.

Kaya tanong ng ibang producers at filmmakers, safe na ba talagang magtrabaho ngayon sa entertainment industry?

Samantala, sa Linggo ay may All-Out Sundays na pero naka-Zoom pa rin muna sila at hindi na muna in-allow na mag-live sa studio.

Paolo naka-quarantine

Si Paolo Contis ang isa sa nagpapasalamat sa pagbabalik sa TV ng All-Out Sundays sa darating na Linggo.

Okay din daw na mag-Zoom na lang muna dahil medyo hirap din daw siya ngayon kumilos dahil naka-self quarantine pala siya ng two weeks dahil kagagaling lang niya sa shoot para sa YouTube channel ng PARD.

Text niya sa akin; “One week kami naka-lock in sa shoot namin sa Binangonan, at kakauwi ko lang.  “So, naka-self quarantine ako ngayon at hindi ko puwedeng lapitan si LJ, Aki and Summer for 2 weeks.”

Nakakapraning daw ang ganun, pero kailangan daw niyang gawin alang-alang sa kalusugan ng kanyang pamilya. Bukod sa pagsu-zoom, inaaliw na rin niya ang sarili sa panonood ng Netflix lalo na’t nagsimula na rin doon ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Through Night and Day na isa sa mga ipinagmamalaki niyang pelikula.

ALFRED VARGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with