^

PSN Showbiz

Boboto tutol sa ABS-CBN franchise baka 'kidlatan ng langit', ani Korina Sanchez

Philstar.com
Boboto tutol sa ABS-CBN franchise baka 'kidlatan ng langit', ani Korina Sanchez
Makikita sa larawan ang TV host na si Korina Sanchez (gitna) habang nagbo-bonding sa mga anak na sina Pepe (kaliwa) at Pilar (kanan)
Mula sa Instagram account ni Korina Sanchez

MANILA, Philippines — Gigil na sa galit ang "Rated K" at Kapamilya host na si Korina Sanchez sa patuloy na pagharang ng ilang mambabatas sa prangkisa ng ABS-CBN, 'yan ay kahit "wala" naman daw mapatunayang paglabag na ginawa ang kumpanya.

Ika-5 ng Mayo nang ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng Channel 2 matapos mapaso ang kanilang prangkisa, bagay na nangyari dahil sa kawalang aksyon ng Kamara.

Gumugulong tuloy ngayon ang mga pagdinig sa Konggreso kung mabibigyan ng 25-taong legislative franchise ang himpilan. 

"Kung walang mapatunayang violations, at nagpapakumbaba parin ang network executives, ipagkakait parin ang franchise renewal at isasarado parin ang ABSCBN?" wika ni Korina sa kanyang Instagram, Miyerkules.

"Di kaya sila kidlatin ng langit?"

Usad-pagong ngayon ang proseso dahil sa mga debate tungkol sa pagbabayad ng tamang buwis, dual citizenship ng kanilang chairman emeritus na si Eugenio Lopez III at paglabag diumano ng kumpanya sa karapatan ng kanilang mga empleyado.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, sinasabi kasing mga Pilipino lang ang maaaring magmay-ari ng mass media sa bansa.

Pebrero 2020 nang sabihin ni Arnel Guballa, deputy commissioner ng Bureau of Internal Revenue na walang nakabinbing tax case ang ABS-CBN.

BASAHIN: Does ABS-CBN have tax deficiencies, unpaid debts?

Maliban diyan, ibinato na rin ni House Minority Leader Benny Abante ang isyu ng pagpapalabas diumano ng mga "imoral" na content ng network, gaya raw ng kalaswaan at pagmumura.

"Are we to assume that if given another 25 years, these are the type of programs you will continue to air?" wika ni Abante noong Lunes.

"Have you forsaken contemporary Filipino cultural values and morality in favor of ratings."

Sa kabila ng lahat ng iyan, naninindigan si Sanchez na malinis ang kumpanya bagama't hindi ito perpekto.

"Wala mang mapatunayang violations, nagpapakumbaba ang pamunuan ng network at umaamin na wala namang kumpanya na perpekto. Wala," sambit pa niya.

"At bukas ang network sa pagtutuwid ng hindi perpekto. Lalo naman na hindi perpekto ang mga kongresista."

Una nang sinabi ng kumpanya na nanganganib ang trabaho ng nasa 11,000 empleyado at manggagawa ng ABS-CBN kung tuluyan na itong hindi makakapanumbalik sa ere. — James Relativo

ABS-CBN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KORINA SANCHEZ

LEGISLATIVE FRANCHISE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with