Richard nasa probinsyano na

Richard

Ahh nasa Ang Probinsyano na pala si R­ichard Gutierrez.

Ito ay matapos maglabas ng teaser ang ABS-CBN na nakatalikod ang actor at pinaaabangan kung kakampi o kalaban.

Ito pala ang sinasabi ng misis niyang si Sarah Lahbati na bagong gagawin ni Richard.

In all fairness, walang nag-chika na makakasama na si Richard sa programa ni Coco Martin na nanahimik pa rin sa kasalukuyan sa payo na rin diumano ng mga kaibigang pulitiko matapos ang mainit na pahayag kay Solicitor General Jose Calida na magiging bahagi na pala ng Office of the Ombudsan ayon sa narinig kung chika kung totoo ‘yun ha.

Kaya maraming sexual abuse cases? mala-porno movies nagkalat sa streaming sites

Trending lately ang mala-porno na palabas sa ibang streaming sites. Kaya kahit ano sigurong gawing pagbabantay ng pulisya o kahit ng pamahalaan natin sa dumaraming bilang ng sexual abuse sa bansa particular na ngayong panahon ng quarantine at dini-discourage pa ang karamihan na lumabas ng bahay, malabo nila ‘yang mapigilan.

Kung hindi man sexual abuse kasi, maraming napapabalitang sexual exploitation sa bansa.

Grabe ang ibang foreign movies na hindi puwedeng i-regulate ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil nga international provider ito at sa ibang bansa ito rehistrado.

Open to everyone ang mga naturang palabas. Oo nga at may bayad naman ‘yun pero puwede namang i-download.

Ayon nga sa lumabas na data ng Philippine National Police (PNP), 602 people sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nabiktima ng rape mula March 17 to May 23 o  eight people kada araw. Pero walang sinabi ang PNP kung saang mga particular na lugar ‘yun.

Wala ngang power ang MTRCB sa mga online streaming sites gaya ng Netflix, iWant, Iflix, at iba pang platforms dahil may ibang batas na sinusunod sa ibang bansa.

Matagal nang drafted ang guidelines ng MTRCB para nga mag-regulate nila ang mga palabas sa video streaming platforms at nakikipag-usap na si Chair Rachel Arenas sa mga content provider tungkol dito hanggang inabutan nga nitong lockdown.

Alarming ito tulad sa ibang issues (COVID-19 and ABS-CBN shutdown) at mas makabubuti sigurong unahin din ito ng ibang mambabatas natin o opisyal ng pamahalaan at tulungan ang MTRCB na magkaroon ng bagong batas na magbibigay sa kanila ng power para kahit paano ay mabawasan ang ganitong uri palabas sa internet sa ating bansa.

Miss Philippines Earth 2020, tuloy ang virtual coronation

Tuloy ang Miss Philippines Earth 2020 ngayong Linggo sa GMA Network sa pamamagitan ng virtual coronation.  Yes, magiging online this year ang kompetisyon para koronahan ang susunod na beauty queen na mag-uuwi ng titulo.

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, kinailangang mag-adjust ng produksiyon at gawin itong online para sa kaligtasan ng lahat at upang sumunod sa social distancing guidelines at safety protocols na ipinatupad ng gobyerno.

Thirty na Filipina candidates ang maglalaban-laban online competition, mula sa iba’t ibang lugar sa bansa at maging sa abroad na magpapakitang-gilas para makuha ang titulo at siyang magiging kandidata ng Pilipinas sa Miss Earth international competition.

Ipapasa ni outgoing Miss Philippines Earth queen Janelle Tee ang kanyang korona at tungkulin bilang environmental ambassador.

Mapapanood ang Miss Philippines Earth 2020 ngayong Linggo, 10:00 A.M. sa GMA Network.

Show comments