Judy Ann, hinahanap-hanap na ang dating ginagawa
Hinahanap-hanap na ngayon ni Judy Ann Santos ang mga nakasanayang ginagawa kapag mayroong proyekto. “‘Yung realization na kapag natapos talaga lahat ng ito at pwede ko nang yakapin ang mga mahal ko sa buhay, every single time na makikita ko sila, yayakapin ko at magpapasalamat ako ng bonggang-bongga. Kasi hindi mo na talaga alam ang mangyayari sa kinabukasan. I miss my friends, I miss my team, I miss everyone. Nami-miss kong makipag-interact sa actual set. Nami-miss kong tumawa. ‘Yung ‘pag gusto mong maging happy ang ibang tao, magpapabili ako ng pagkain. Gusto kong binubusog ang team ko,” maikling pahayag ni Judy Ann.
Jessa, hindi hinihigpitan sa lovelife si Jayda
Bilang ina ay sobrang tutok si Jessa Zaragoza sa anak nila ni Dingdong Avanzado na si Jayda. Nasa bahay lamang ang mag-anak mula nang ipatupad ang community quarantine at may iba-ibang pinagkakaabalahan. “Ako very busy sa online stores ko. Si Jayda naman po very busy sa mga songs na nasulat niya nitong quarantine. Mga Tagalog songs po this time. Siya ang nag-aasikaso because bukod sa pagiging song writer, siya rin po ang producer. Busy po siya sa studio niya dito sa bahay,” kwento ni Jessa.
Kahit nag-iisang anak lamang si Jayda ay hindi naman daw pinaghihigpitan ni Jessa ang dalaga pagdating sa pakikipagrelasyon. “Ang advise ko sa kanya, dapat may oras at tamang panahon para sa love at pagkakaroon ng boyfriend. Mas maigi na ‘yung maging wise siya sa pag-prioritize ng mga bagay na dapat unahin lalo na madami siyang pangarap sa career niya,” paglalahad ng aktres.
Elisse, katampuhan ang ina
Normal na sa isang anak na makatampuhan ang mga magulang paminsan-minsan. Kamakailan ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Elisse Joson at ang inang si Barbie. “Actually po kasi hindi kami okay ni mommy ngayon. So kung ano man po ang disagreement natin recently, sorry,” mensahe ni Elisse sa ina.
Kahit nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ay magkatuwang naman sina Elisse at mommy Barbie sa negosyo nilang Bites Cafe. Layunin ng aktres na makatulong sa mga kababayang nawalan ng trabaho dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa ngayon.
Bukas na para sa mga gustong mag-franchise ang café business ng aktres. “We also want to share with you guys ‘yung binuild namin na business and also para ma-share din sa ibang tao na hindi dahil nawalan ng trabaho during quarantine eh wala na tayong pwedeng magawa at wala na tayong pwedeng gawin para kumita in a different way,” paliwanag ng dalaga. Reports from JCC
- Latest