Kim, hindi madamot

Kim

Hanga naman ako kay Kim Chiu. Buo niyang binigay ang kinita ng Bawal Lumabas merchandise sa drivers at  mass testing na sinimulan nila Angel Locsin.

At kahit paano namigay siya ng mga pansit noodles sa ilang kaibigan na showbiz reporters. Isang sign na talagang meron siyang generous heart, at siguro nga, talagang feel na feel niya ang awa sa mga affected ng pandemic na ito.

No wonder she is so blessed at hanggang ngayon ganun pa rin katindi ang fan base, dahil iyon Love Thy Woman niya talagang nag-resume agad after maayos ang health protocol.

Kim Chiu is one artist na hindi mo narinig na inireklamo ng mga kasamahan niya sa trabaho, dahil all these years nanatili siyang sweet at unaffected. Bongga ka Kim Chiu, tandaan mo, bawal lumabas pag hindi importante ang gagawin, heh heh heh.

‘Tulungan natin ang ating ekonomiya’

Please lang Salve, kung puwede kang mag-spare na gumasta kahit 200 pesos a day para ibili sa mga itinitinda ng mga street vendor, bumili ka.

Kung puwede na patuloy kang mag-grocery every week, gawin mo. Kung medyo meron kang puwedeng spare na konting halaga, buy something sa mga nagkalat ngayon na home products na benibenta online.

Tulungan natin ang economy kahit sa konti lang pagtulong sa pamamagitan ng pagbili, lalo na ng small industries.

Iyon mga nawalan ng trabaho na ngayon nagbebenta ng mga kung anu-anong products para lang meron silang kita kahit konti, tulungan natin. Kahit ayaw mo nang tinitindang bulaklak ng isang vendor, bilhin mo, basta siguraduhin ninyong pare-pareho kayong safe.

Imagine sa halip na manghingi, gumagawa sila ng paraan kumita. Help them please.

Show comments