MANILA, Philippines — Binanatan ni Kapamilya actress Kim Chiu ang deputy majority leader ng Kamara matapos hindi magpakita ng pagrespeto sa watawat at pambansang awit nitong Lunes.
Ika-29 ng Hunyo kasi nang tuloy sa pagsusulat si Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla kahit ipinatutugtog ang "Lupang Hinirang" sa pagdinig ng Kamara, bagay na labag sa Republic Act 8491.
"Is this another issue na hahayaan nalang 'ulit' dahil sila ay... Nakakaiyak na ang mga nangyayari, sa totoo lang." sabi ni Kim sa kanyang Instagram story, Huwebes.
Dismayado si Kapamilya actress Kim Chiu sa aniya'y hindi pagpapanagot kay Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla matapos hindi magpakita ng galang kahit pinatutugtog ang "Lupang Hinirang" sa Kamara noong Lunes. @PilStarNgayon @PhilstarNews pic.twitter.com/NfojOqRb4q
— James Relativo (@james_relativo) July 2, 2020
Kalakip nito, inilagay ni Kim ang probisyon sa batas na nagbabawal diumano sa ginawa ng mambabatas.
Sa Section 38 ng RA 8491 o "Flag and Heraldic Code of the Philippines," dapat kasing ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib habang nakatanaw sa watawat habang tinutugtog ang "Lupang Hinirang":
"When the National Anthem is played at a public gathering, whether by a band or by singing or both, or reproduced by any means, the attending public shall sing the anthem. The singing must be done with fervor.
As a sign of respect, all persons shall stand at attention and face the Philippine flag, if there is one displayed, and if there is none, they shall face the band or the conductor. At the first note, all persons shall execute a salute by placing their right palms over their left chests. Those in military, scouting, citizen’s military training and security guard uniforms shall give the salute prescribed by their regulations. The salute shall be completed upon the last note of the anthem."
Maaaring pagmultahin nang P5,000 hanggang P20,000 at/o ikulong nang hindi hihigit sa isang taon ang lalabag dito, depende sa desisyon ng korte.
Humingi naman na ng tawad dito si Remulla, at sinabing payag siyang magbayad ng magmulta.
"I’d like to apologize for an earlier incident na ako po’y may sinusulat na note nung nagfa-flag ceremony tayo," wika ni Remulla sa insidenteng nangyari habang dinidinig ang prangkisa ng ABS-CBN.
"Magbabayad tayo kung kinakailangan po, kung saan po." — James Relativo at may mga ulat mula sa Latest Chika