^

PSN Showbiz

Kontrata ng mga artista ng ABS-CBN, suspendido na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kontrata ng mga artista ng ABS-CBN, suspendido na!
ABS-CBN

Suspended na pala ang network / project contract ngayon ng lahat ng Kapamilya stars dahil sa krisis na pinagdaraanan ng ABS-CBN kaugnay sa franchise renewal ayon sa isang reliable source.

Pero until end of August pa raw ang suweldo ng lahat ng artists and employees ng network.

So by this time, nagde-decide na raw ang management kung paano magtatanggal ng mga empleyado – puwedeng retrenchment, MRP (manpower reduction program), no work no pay or shutdown, chika pa ng source.

So may chance kayang ibenta na lang ang network tanong ko sa kausap ko?

Never daw. As in mas pipiliin na lang diumano ng mga may-ari na isara ito nang tuluyan.

Ngayon daw ay pinapayagan nang tumanggap ng trabaho outside the network ang mga artista ng Channel 2 pero ang Star Magic (talent arm group) pa rin ang manager. Puwede rin naman daw silang magpa-release ng contract or lumipat sa GMA 7 basta magpapaalam lang sila (talents o artista).

Nauna na diumanong nagpa-release sa network si Pokwang.

Anyway, hindi na nga napapanood ng mga may TV Plus set-top boxes sa Metro Manila ang Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, CineMo, at KBO. Ito ay matapos ngang maglabas ng cease and desist order (CDO) ang National Telecommunications Commission (NTC) na pinapatigil ang digital TV transmission ng ABS-CBN sa Metro Manila gamit ang Channel 43.

Hindi raw kasi nakasaad ang Channel 43 sa CDO ng NTC noong Mayo 5, 2020, at sa pagkakaintindi diumano ng ABS-CBN ay hindi sakop ng CDO ang Channel 43 pero hininto na ang digital TV transmission sa Metro Manila sa Channel 43 noong isang gabi (Hunyo 30), bilang pagsunod nila sa alias CDO.

Kasama ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) at ang labor center na Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (Sentro) na isipin ang kabuhayan ng mga apektadong manggagawa at bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN sa naganap na pagdinig sa Kamara noong Martes (Hunyo 30).

Ibinahagi naman ni Cory Vidanes, ang COO for broadcast ng kompanya, kung paano sumusuporta ang mga manggagawa nito para sa laban tungo sa bagong prangkisa sa kabila ng kanilang takot na mawalan ng trabaho.

Iminungkahi nga pala ng Sentro na maglagay ng pro-worker provisions sa bagong prangkisa ng ABS-CBN kung mare-renew ito at ibinahagi nito na hindi makatao ang kasalukuyang pangamba ng mga manggagawa nito na mawalan ng trabaho.

Tuluyan na kayang magsasara ang ABS-CBN o palulusutin sila ng Kongreso?

Malungkot ang bulung-bulungan pero sana ay, chismis lang at hindi totoo.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with