Cute talaga ni Luis Manzano.
‘Yung comment niya na akala niya COVID-19 ang kalaban, UP pala dahil sa OA na reaction ni Sec. Harry Roque sa mga tinamaan ng coronavirus.
Iba talaga ang wit at sharpness ni Luis Manzano, kuhang-kuha niya ang mga punchline na talagang alam mo na isang intelligent person lang ang mayroon.
No wonder napakahusay niyang host dahil walang dull moments sa kanya.
One Luis Manzano fan here, hah hah bongga.
Mga nagsasarang negosyo, nakakalungkot na ang mga pangyayari
So sad na magbasa ng news tungkol sa nagsara, nawalan, at umuwi na mga nawalan ng trabaho.
Pag nababasa mo ito, parang ‘yung pag-asa na puwede pang bumuti ang buhay after the pandemic ay parang nawawala na ‘yung hope.
Malungkot mabalitaan na nagsara ang dalawang comedy bars ni Allan K. Doon nanggaling ang magagaling na talento ngayon, isa na roon si Vice Ganda.
Matagal na pinilit ni Allan K na patuloy itong mag-operate, pero hindi na talaga kinaya.
Iyon ding tambak na OFW na umuwi dahil affected din ang trabaho abroad, mga seafarer, saan mo ilalagay ang mga iyan?
Ano pa ang trabaho na puwede nilang pasukan dito sa atin?
Sana naman magkaroon na ng kaunting pagbabago. Sana naman may pag-unlad na mangyari. Sana, sana, sana.
Spoiled sa quarantine…
Naku ha, kaya siguro na-i-enjoy ko ang quarantine dahil sobra akong spoiled sa mga rich kind Asian friends ko.
Bongga nagpadala na naman si Mama Alice Eduardo ng oranges at longgan with matching red envelope, eh grabe na ang rasyon ko saku-sakong gulay.
Aywan ko kung noong past life ko ay naging yaya o nanny ako ni Mama Alice Eduardo, kaya feeling nanay niya ako na alagang-alaga niya.
Sino naman ang hindi mag-i-enjoy sa quarantine, eh heto at continuous ayuda ang natatanggap ko, bongga.
Thank you Mama Alice Eduardo, forever grateful