Probinsyano tuloy ang taping, lumipat pa ng location

Coco

As of this writing, wala pa rin kaming nakuhang impormasyon mula sa production staff ng mga teleseryeng nagsimula nang mag-taping na naka-lock in sa set.

May cease and desist order na ang SKY Direct at TV Plus at malaking kabawasan ito sa kanilang exposure.

Ang Ang Probinsyano ay lumipat pa ng location, at wala pang advice kung titigil na ba sila sa taping.

Nakita ko lang sa IG post ni Zsa Zsa Padilla na naiyak na siya nang napanood ang balitang naisyuhan na rin ng cease and desist order ang kanilang cable channels, pati ang TV Plus.

Bahagi si Zsa Zsa ng Love Thy Woman na nagsimula na ring mag-taping.

May bago pa silang gagawin, ang Walang Hanggang Paalam, na naghahanda na rin nang pagsisimula ng taping.

Inaayos lang nila ngayon ang mga requirement na dapat sundin bago sila magsimula.

Ito ‘yung action serye na dapat para kina Julia Montes at Nadine Lustre, pero pinalitan na sila nina Arci Muñoz at Angelica Panganiban na dating Burado ang title.

Aalamin pa namin kung anong mangyayari sa mga bagong programa ng ABS-CBN.

Pero sa panahon ngayon na nakikipaglaban pa rin tayo sa COVID-19 na patuloy na tumataas ang datos kaya nakakatakot pa ring lumabas, kaya mas maganda sana kung marami pa tayong pinagpipiliang panoorin sa TV.

Affordabox, maraming gustong bumili

Kasabay nang pagkawala ng TV Plus ay ang paglunsad ng Affordabox ng

GMA 7 na nagkakahalaga ng P888.

Ang daming listeners namin sa DZRH ang nag-

post ng kanilang komento na bibili na raw sila ng Affordabox dahil wala nang pakinabang ang kanilang TV Plus.

Kaya ikakabit ko na rin ang aking Affordabox.

Inilunsad ang nasabing high-quality at affordable Digital Terrestrial Television (DTT) receiver kaugnay sa pagdiriwang ng GMA Network sa ika-70 anibersaryo.

Sa abot-kayang halaga na P888, handog ng GMA Affordabox ang mas malinaw at makulay na digital TV viewing experience na may bonus features. One-time purchase lang ito at walang monthly fees.

Ito na ang hinihinging regalo ngayon ni Manay Lolit Solis, para ipanregalo rin niya.

Show comments