^

PSN Showbiz

Mass retrenchment, nakaabang na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mass retrenchment, nakaabang na
Vicky Morales
STAR/ File

Lalong nababahala ang Kapamilya ta­lents ngayong may cease and desist order na ang TVPlus at SKY Cable.

Sa ginanap na hearing noong nakaraang Lunes ay nagpahayag na ang taga-NTC na mag-i-issue na nga  sila ng cease and desist order sa mga binu-broadcast na mga ABS-CBN programs sa Channel 43.

Inihayag doon sa pagdinig na nagkaroon ng blocktime agreement sa AMCARA Broadcasting Network, Inc. na sinasabi naman ng Kapamilya network na ito ay ‘stan­dard commercial agreement’ kagaya ng ilang broadcasters.

Dito ay umapela na ang CEO ng ABS-CBN 2 na si Carlo Katigbak sa Kongreso. Aniya, “Yung hinihingi lang po namin is to make sure that we are given due process, so we have the right venue to express our position on this matter. And then whatever decision the NTC comes up with, we will respect the regulatory agency.”

Ipinaliwanag naman ni KBP President Jun Nicdao na matagal nang pina-practice ang pagbili ng blocktime. “Blocktimers do not need a franchise to buy airtime from a broadcasting station.”

Pinagdiinan din naman ni Katigbak na ina-allow naman daw ng NTC ang ilang broadcaster na umere kahit expired na rin ang franchise. “Between TV plus and SKY, there are about 11 million homes that have access to our service. Pag pinutulan po natin ‘yan that’s almost 55 million people that will lose access to their entertainment, their news and information. So sana po, ang appeal po namin sa Kongreso is the spirit of fairness please consider that you have allowed other companies to operate before even after their franchises have expired for so long as Congress continues to hear their application for a renewal.”

Tweet naman ni Sen. Nancy Binay kahapon, Bakit parang iisa ang guhit ng palad ng #ABSCBN at ng mga traditional #jeepney? Kunyari sinasama, pero di sinasali. Naririnig pero di pinakikinggan. Nakikita pero di tinitingnan.

Dahil sa mga pangyayari, parang  hindi na rin ka­yang magpatawa ng mga komedyante dahil gutom sila. Nagsara na ang comedy bars, dahil hindi na umaasang makabalik sila sa lalong madaling panahon.

Kaya ang pinangangambahan ngayon ay ang mass retrenchment na gagawin sa ABS-CBN 2 sa darating na August, kaya lahat ay ikinakapit na sa dasal na sana magkaroon ng linaw ang franchise ng ABS-CBN 2.

Ilaban... ni Vicky tsugi na, ibang programa ng gma limitado na lang ang ibabalik

Sa totoo lang, ito na rin ang patuloy na ipinagdarasal ng karamihang production staff ng GMA 7 dahil magsisimula nang mag-tape uli ang ilang prog­rama nito. Ang latest na nasagap namin, magsisimula nang mag-rehearse ang All-Out Sundays dahil magbabalik na sila ng live sa July 12, pero may ilang bahagi na naka-Zoom daw.

Bukod sa AOS, babalik na rin daw sa pagti-taping ang Pepito Manaloto, Amazing Earth, iBilib, Bubble Gang, Dear Uge at may apat pa raw na prog­ramang pinu-prodyus ng GMA News and Public Affairs.

Magsisimula na rin daw sa taping ang Mars, at pagdating sa drama, hindi raw muna sila pagsasabayin. Batch by batch daw muna ang pagsisimula at baka unahin muna ang Magpakailanman.

Pero hahatiin lang daw muna itong drama anthology ni Mel Tiangco, mayroong bagong kuwento, mayroong replay.

Samantala, totoo kayang  tatanggalin na ang programang Ilaban Natin Yan ni Vicky Morales at ibabalik na raw ang Wish Ko Lang? Sandali lang sa ere ang Ilaban Natin ‘Yan pero hindi ito gaanong umepek sa  televiewers at inabot na ng pandemya, kaya parang mas akma sa pinagdaanan natin ngayon ang Wish Ko Lang.

Curious lang kami kung ipa-practice na rin ba ang paycut sa talent fee ng mga artista ng GMA kapag bumalik na sila sa trabaho. Pumayag ang mga artista ng Kapamilya channel sa ganitong sistema.

VICKY MORALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with