Alam mo bang sobra akong bothered last night, Salve, after watching Romang, na isang Korean movie.
Romang is a french word for wish o dream, story ito ng dalawang mag-asawang may dalawang anak, namatay ang isang anak noong bata pa, at ‘yung anak na lalaki na may pamilya na umaasa pa sa mga magulang niya.
Ipinakita sa pelikula ang dahan-dahang deterioration mo pag nagkaroon ka ng dementia. May moment ang ganung sakit na you go back to the past, at iyong momentary time na nasa present na naman ang utak mo. Iyong may moment na violent ka pag naisip mo iyong isang masakit na naganap sa nakaraan mo.
Ganoon pala ang dementia, para ka na ring living dead, para ka na ring patay, dahil iba na ang takbo ng utak mo.
Pero ang hindi ko kinaya, pati iyong asawang lalaki ay slowly tinatamaan na rin ng dementia.
Sobra ang kapalaran o baka naman talagang sinadya para nga magkasama na sila together in the end. Hindi ko maisip how sad it is for a person pag nagkaroon ng dementia at walang mag-aalaga rito.
It was really a very sad story. Romang, watch n’yo, talagang tatamaan kayo.
Seniors na ka-tropa ni Mang Ramon, high tech ang pakikiramay
Dahil nga delikado sa mga kasabayang artista ni Mang Ramon Revilla ang pumunta ngayon sa mga mass gathering at magbiyahe dahil medyo malayo rin ang Imus, Cavite, nagpapa-live mass na lang sila sa Facebook.
Bongga nga naman dahil nakaka-join ang mga naging co-stars at kaibigang seniors ni Mang Ramon.
Sa panahon ngayon, nauso na talaga na halos lahat ay ginagawa na lang thru modern technology. Maganda rin naman na maging solemn ang pagluluksa ng affected families sa ganitong pagkakataon, dahil kahit paano, iyon talagang huling oras niya bago ilibing ay maging very private sa immediate family members.
We are sure na ang mga kasing-edad ni Mang Ramon ay mahihirapan na rin sa biyahe kaya sakto na digital burol ang mga pangyayari ngayon kay Mang Ramon.