Bilang panganay sa apat na magkakapatid ay talagang responsable si Daniel Padilla sa mga nakababata sa kanya. Dalaga na rin ang mga babaeng sina Magui at Carmella at ang hangad ng aktor ay huwag munang makipagrelasyon ang dalawa.
Walong taon nang kasintahan ni Daniel si Kathryn Bernardo at noong nakaraang buwan lamang ay nagdiwang ng kanilang anibersaryo. “Mabanggit ko lang si Kathryn, tumatayo rin bilang ate nina Magui at Carmela. I think it’s a good example na makita nina Magui at Carmella kung paano kami ni Kathryn naman. Kasi for me ‘yung love kasi namin ni Kathryn is real. At hindi siya negative para sa aming dalawa. Magandang tinitingala muna kami nina Carmella. Makakuha ng lessons about love. Balik lang ako, hindi kami eksperto pero kami po ay masuwerte sa aming dalawa at hindi ko naman pwedeng ipagkait ‘yon,” paliwanag ni Daniel.
Katulong na gumababay ng aktor kina Magui at Carmella ang pangalawang kapatid na si JC at ang inang si Karla Estrada. “Hanggang sa makakaya namin ay tutulong kami sa inyo at lagi lang kaming nandito. Kapag may problema, pwede kaming kausapin. Kung may kailangan, pwede nating pag-usapan. Siyempre nandito lang kami ni Mama always para sa inyo,” mensahe ng aktor sa mga nakababatang kapatid.
Kz at Tj, kanselado muna ang kasal
Bago magtapos ang 2019 ay nag-propose na ng kasal si TJ Monterde sa kasintahang si KZ Tandingan.
Mahigit limang taon nang magkarelasyon ang dalawa ngayon.
Nakatakdang magpakasal nina KZ at TJ ngayong taon pero ipagpapaliban muna ito dahil sa banta ng COVID-19 pandemic at balak na ituloy sa susunod na taon. “Totally as in move na talaga. I proposed December, January we planned agad. She’s the planner out of the two of us. Siguro mga nasa mga 70% na kami ng planning. Nakausap na namin ‘yung coordinator, everybody nakausap na namin. Parang 30% na lang then execution kaya na. pero ‘yon nga, this happened so we had to move it to next year kasi flights aren’t possible yet and then the venue. Next year na talaga ‘yung wedding namin pero we’re considering getting legally wed. kino-consider namin kung pwede pero don’t know. Maybe,” pagdedetalye ni TJ.
Ayon sa binata ay kailangang pakaabangan ng mga malalapit nilang kapamilya, kaibigan at mga tagahanga ang mga bagong awitin na kanilang nilikha ni KZ para sa kanilang kasal. “We actually have plans of releasing songs specifically made for the wedding like merong songs ko and songs niya, and songs of us together and we’re excited about that part. Isa ‘yon sa mga nausog na plano this year. Kasi we’re supposed to release those songs before the wedding eh hindi muna. So wala muna,” pagbabahagi pa ng singer. (Reports from JCC)