ABS-CBN, walang kita sa kapamilya channel?!
Kung sa free TV pala ay almost P35 million ang income ng ABS-CBN a day, yes a day, sa kanilang commercial load, sa cable channel diumano ayon sa reliable source, P2 to 2.5 million lang ang kinikita nito sa kasalukuyan.
Sa cable channel napapanood ngayon ang Kapamilya Channel ng ABS-CBN na ilang tulog na lang ay two months nang hindi nag-o-operate dahil sa problema sa franchise na nag-expire last May 4.
Yup you read it right, up to P2 to P2.5 million lang diumano ang kinikita ngayon ng Kapamilya Channel kaya talagang hindi raw makaka-survive ang ABS-CBN if ever na by August ay hindi pa sila mabibigyan ng franchise.
Up to July diumano ang pangako ng management na complete salary sa mga empleyado pero parang magkakaroon nga raw ng changes ang plan at kailangan na agad nilang magtanggal ng workers dahil nga malaki na ang lugi nito sa kasalukuyan ayon pa sa ka-chika naming source.
Kaya nga raw, talagang kailangan nila ring i-implement ang cut rate sa mga artistang nagbabalik sa taping.
Na actually, ‘di lang naman daw sa talent fee ng mga artista ang dapat ay may cut rate kundi pati ang salaries ng mga empleyado.
Anyway, mukhang matagal pa raw talaga ang lalakbayin ng issue ng renewal ng franchise ng network sa Congress dahil may seven issues pa sa kanilang pinasasagot kasama na ang labor issues. Na feeling ng insider ay matagal ang magiging diskusyon dahil dadalo umano sa hearing ang ex broadcaster na si Jay Sonza at isa pa nilang dating empleyado.
Ganundin daw ang issue ng finances mula sa umpisa ng operation ng network matapos itong maibalik sa pamilya Lopez after the EDSA Revolution.
At ang number of pages daw ng dokumento, 12,000 pages. Na ayaw daw ng mga congressman ng USV ha, ang request diumano ng mga ito, hard copy.
So imagine the effort nga naman. 12K copies. Eh 20 congressman daw ang kailangan mong bigyan ng kopya.
Shocking. So mababasa kaya ‘yun ng mga congressman ng one to two months lang?
My gosh, baka nga tirik na ang mata ng ibang empleyado ng ABS-CBN, hindi pa nila tapos basahin ang 12,000 pages na financial documents ng network.
Anyway, wait na lang natin kung paano babasahin ng mga congressman ang 12,000 pages. At may oras kaya silang magbasa?
- Latest