^

PSN Showbiz

Lorna Tolentino hindi pa alam ang bagong tf

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lorna Tolentino hindi pa alam ang bagong tf
Lorna
STAR/ File

Ililipat na ng ibang hotel si Lorna Tolentino habang naka-lock in sa taping ng Ang Probinsyano.

Mabilis ang naging decision ng EP ng teleser­yeng pinagbibidahan ni Coco Martin matapos i-chika kahapon ni Manay Lolit Solis sa episode 59 ng Take It… Per Minute, Me Ganun! na panay nga ang sumbong ni LT na sa motel daw sila naka-lock-in.

Hindi raw kasi inasahan ni LT na motel ang titirhan nila dahil maganda ang pangalan nito. Kaya nawindang daw ang actress at hindi nga nakatulog sa first night.

At pinadalhan pa raw si Nay Lolit ng rate nito na P214 per hour, so puwede raw dito ang short time.

Saka wala raw staff ang nasabing motel. Dalawa lang daw talaga, chika pa raw ni LT sa kanyang talent manager.

Kaya naman hindi pa natatapos ang episode namin sa no. 1 digital talkshow ng Pilipino Star NGA­YON, tumawag na si Ms. D at  sinabing ililipat na raw ng hotel si LT na malapit lang sa ABS-CBN.

Pero ang isang mas ikaka-shock daw ni LT ay pag nalaman nitong may agreement na ang mga manager at ABS-CBN sa bagong rate ng kanilang talent fee.

Kahapon kasi ay wala pa raw idea si LT tungkol sa adjustment ng TF bilang suporta sa ABS-CBN.

Pero ang kinakabahan daw si Nay Lolit, ay baka makita niya si Lorna sa franchise hearing ng ABS-CBN na umiiyak sa Congress at nagsusumbong. Na joke lang naman siyempre.

Tiyak ni Nay Lolit, tulad sa ABS-CBN, ganito na rin ang i-implement ng GMA 7 sa kanilang mga artista.

Nasa cable channels ngayon ang ibang ABS-CBN shows, Kapamilya Channel, kaya nga major ang adjustments nila dahil sa problema sa franchise at sa coronavirus pandemic.

Pero imagine na kahit may problema pa sa franchise at may pandemic pero ito sila at talagang nag-e-effort para may bagong episodes ng kanilang palabas.

Siyempre hindi lahat ay may trabaho pang babalikan.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with