Mayroong bagong termino ngayon, ‘di ba Salve. Pag galit ka, sasabihin mo, naku ha huwag mo akong piliting maging Lea Salonga o Pinky Amador, hah hah, kalokah talaga.
Gustung-gusto ko pati ‘yung pag wala ka at talo, Luz Valdez ka or Lotlot, pero pag nanalo naman, Win Gatchalian ka.
Ngayon pag galit ka, sige mag-Pinky Amador or Lea Salonga ako, dahil nga iyon doon sa eksenang nagwala sina Pinky at Lea at napamura sa galit.
Cute naman dahil talagang kahit very ladylike ka tulad ni Lea ay magagawa mo ring magsalita ng masasakit. Kahit siguro anong pagtitimpi at pagpipigil mo sa sarili, dumarating ang oras na puputok o sasabog ka na lang.
Ang mahalaga naman, nagsisi ka at may dahilan kung bakit ka pumutok. Kaya Salve, huwag kang maging Lea o Pinky, baka ma-Luz o Lotlot ka at hindi ka mag-Win, hah hah hah.
Ang bilis ng panahon...
Sobra siguro ang bilis ng buhay ngayon kaya parang kailan lang iyong mga bagay na nari-remember ko tulad ng presscon noon ni Danding Cojuangco diyan sa bahay nila sa may New Manila.
Lahat ng showbiz writers noon ay very excited, dahil The Danding Cojuangco ang nag-invite eh ‘di ba, parang unreachable figure siya para sa mga taga-showbiz.
Ang laki ng compound nila diyan sa New Manila at doon na na-meet ng mga taga-showbiz si Charlie Cojuangco, na naging fave ng mga blind item noon dahil kay Sharon Cuneta at later on nang maging asawa ni Rio Diaz.
Pogi at very commanding ang presence ni Danding, at ang ganda ng asawa niyang si Gretchen Oppen Cojuangco na napakabait na nag-estima ng mga pumuntang showbiz writers sa presscon.
Now, iniwan na tayo ng isang benefactor at tinatawag na Godfather ng Sports world.
Goodnight, Sir Danding Cojuangco, so proud na na-meet namin kayo, eh number one social climber ako, joke po. Have a peaceful journey.
Suportahan ang maliliit na negosyo
Sa panahong ito natin ipakita kung gaano natin kamahal ang Pilipinas.
Ngayon natin tulungan ang ating bayan para tuluy-tuloy ang ekonomiya. Gumasta tayo nang kaunti, bumili ng mga bagay, kumain sa resto at pumunta sa parlor.
Ang small industries ay dapat tulungan nating makabangon. Ang lahat kung puwede nating tulungan sa pamamagitan ng pagbili para kahit papaano ay magkaroon ng hope na kumita, bilhin natin.
Hindi naman kailangang malaki ang magasta natin, iyon lang nakikita mo na umaandar kahit papaano, halimbawa na lang kung merong kinita kahit dalawang gupit lang ang isang parlor, mayroong tatlong kumain sa resto, may dalawang bumili sa damit ng tindahan, iyong madama mo na mayroon pa ring puwedeng sumuporta sa business mo.
Do it, malaking bagay ito para sa micro industry at sa mga nagta-trabaho rito. ‘Yung makita mo ang ngiti ng staff pag may pumasok sa store, precious iyon.
Help and love our Philippines, our country, our one and only beloved Pilipinas.