^

PSN Showbiz

Writer, kalbaryo na ang kabigatan ng buhay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nabasa namin ang buong post ng isang kilala at mahusay na scriptwriter. Emosyonal ang kanyang post, nakapaloob du’n ang mga reyalisasyon ng buong bayan dahil sa lockdown, maraming pagbabagong naganap.

Pero sa bandang dulo ng kanyang post ay sinentruhan niya ang isang taong nang-alipusta sa isang kilalang-kilalang mag-inang artista.

Sa kanyang pag-alala ay matagal na panahong nakasama ng taong ‘yun ang sikat na babaeng personalidad. Hindi lang nito basta nakasama, sobra silang naging malapit sa isa’t isa, dahil nagsilbing PRO ng female personality ang kanyang tinutukoy.

Sabi ng isang source na nakabasa rin sa post ng maga­ling na scriptwriter, “Ano na ba ang nangyayari sa taong ‘yun? Mismong taong pinakinabangan niya, na sobra-sobra ang naitulong sa kanya, pinipintasan at nilalait pa niya ngayon?

“At idinadamay pa niya ang asawa at anak nu’ng female personality? Napakasakit niyang magsalita, idinaan pa niya sa blind item ang post niya, pero bigay na bigay rin naman kung sinu-sino ang mga taong inuupakan niya?

“Mabait pa rin ang female personality, dahil kung tutuusin, e, puwede niyang kasuhan ng libel ang taong ‘yun! Kahit blind item pa ang pagpo-post, kapag ganu’n namang bigay na bigay na, e, puwede pa rin niyang idemanda ang taong ‘yun!” madiing komento ng aming kausap.

Pinakialaman nito ang lovelife ng sikat na female personality, ang kalikutan daw ng aktres sa pakikipagrelasyon ay namana ng kanyang anak, nakapangingilabot ang mga ginamit na paglalarawan ng taong tinutukoy ng magaling na scriptwriter.

Sabi naman ng isa pang impormante, “Tama ang tanong nu’ng scriptwriter, may mga nagtitiwala pa ba sa taong ‘yun? May mga kaibigan pa ba siya? Kasi nga, e, sobra na siyang negang-nega!

“Wala na siyang nakikitang maganda sa ibang tao, pati ang mga taong gumawa ng milagro sa trabaho niya, e, sinisiraan niya! Isa na siyang ma­tinding kalbaryo!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Take It… adjusted na sa new normal

Ikatlong episode na ng Take It, Per Minute... Me Ganu’n ang mapapanood sa Martes, alas dose nang tanghali, sa kanyang pagbabalik mula nu’ng lockdown sa FB page ng Pilipino Star Ngayon.

Armado na kami nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu ng plastic shield divider na handog ng aming loyalistang mag-asawang sina Alvin at Filipina Magtalas.

Malaking tulong ‘yun para sa aming tatlo dahil hindi madaling magbalita nang naka-face mask, iba ang ginhawang hatid ng plastic shield divider, na habang sinusulat namin ang kolum na ito ay naipa-deliver na nina Alvin at Filipina sa Mga Obra Ni Nanay.

Naipakita na sa amin ni Japs Gersin ang divider, si PJ Villarta ang nagmodelo habang nakaupo sa puwesto ni Manay Lolit, at hindi lang ‘yun. Nagpadala rin ng face mask si Filipina na gawa ng Herds NGO, ang kanyang grupo na matinding serbisyo ang ibinibigay sa ating mga kababayan sa panahon ng mga kalamidad, personalized ang face mask.

Hindi na magiging prolemado ang aming tagapamuno na si Salve Asis, ligtas na ang kanyang mga anchors sa anumang aspeto, tuloy na tuloy na nga ang ­ating pagbabalitaan at paghahalakhakan sa TIPMMG sa Martes kasabay ang masarap n’yong pananghalian! (Yey. Maraming salamat po Mr. Alvin and Ms. Filipina Magtalas. God bless you. – Salve)

Cristy Ferminute babalik na rin sa ere!

Sa inyong permiso, Salve Asis, tapos na rin ang pagtatanong at kasabikan ng mga tagasubaybay ng aming programang Cristy Ferminute sa Radyo Singko.

Sa June 29, Lunes, ay magbabalik na sa himpapawid ang CFM, pero work from home muna kami ni Romel Chika, mapapakinggan kami sa Radyo Singko at mapapanood sa FB Live ng aming programa.

Sa pagbabalik ng CFM ay isang oras muna ang pagsasamahan namin ng mga tagasubaybay, alas singko hanggang alas sais nang hapon, habang inookopa pa ng mga pambalitaang programa ang alas kuwatro hanggang alas singko.

Mahalaga ang mga impormasyong ipinalalabas sa ganu’ng oras. Kumpleto ang mga detalyeng ibinibigay ng DOH at ng ating pamahalaan tungkol sa estado ng ating bayan kaugnay ng mapamuksang salot.

Ang importante ay unti-unti nang bumabalik ang sigla ng lokal na aliwan, meron na uling mga programang kahit paano’y nakapapawi sa nerbiyos at kalungkutan ng publiko sa kasalukuyan nating sitwasyon, hindi simple ang ating pinagdadaanan ngayon.

Kaya sa mga tagasubaybay ng Take It, Per Minute... Me Ganu’n at Cristy Ferminute dito at sa iba-ibang bansa, maraming salamat po sa hindi pagbitiw, mula sa puso naming pinahaha­lagahan ang inyong masarap na pagsubaybay.

WRITER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with