Bea abala muna sa pagluluto ng donut, Lopez giniit na dapat silang ma-renew

Bea
STAR/ File

Serye nila ni Richard wala pang go signal

Parang ang sarap ng mga gawang donuts ni Bea Alonzo.

Well, tuloy naman daw ang gagawing teleserye nina Bea and Richard Gutierrez, pero wala pa diumano talagang definite kung kailan sila mag-i-start na mag-taping kaya siguro pagluluto muna ang inaasikaso ng actress at ang kanilang I Am Hope Organization.

So far kasi, ang Ang Probinsyano pa lang ang officially nag-start ulit ng taping kahapon.

At tulad nga sa original plan, lock-in sila.

Pero may isang actress daw na kinailangan pang mag-take ng sleeping pills dahil hindi makatulog sa first night ng kanilang lock-in.

Expected na hindi naman daw sa five star hotel sila naka-check in, pero naloka raw ang actress dahil laspag na laspag daw ang bed na na-assign sa kanya. Ang sakit daw sa likod.

Pati raw breakfast, nawindang si actress.

Though na-advice naman daw talaga lahat ng aritsta ng teleserye na may option naman silang magdala ng sarili nilang mga gamit like pillows and blanket. At kahit food, allowed daw.

Eh bawal daw dun lumabas so wala raw choice ang mga artista kundi mag-adjust sa kung anong andun lang o sa tinatawag na new normal.

At least nga naman sila may trabaho, ‘yung ibang artista diumano ay nagkakaroon na ng anxiety dahil wala pa talagang signs na babalik na sila sa taping or shooting.

Nauna na ngang umapila si ABS-CBN vice chairman Atty. Augusto “Jake” Almeda-Lopez sa Kamara na kilalanin ang halaga at mahahalagang kontribusyon sa bansa ng network at ng 11,000 manggagawa nito na kasama nga ang mga artista nila.

“Can you give me another two minutes?  You know we are fighting for our lives,” sabi ni Almeda-Lopez sa House panel committee hearing sa franchise renewal ng network.

Saad ni Almeda-Lopez, karapat-dapat na ma-renew ang prangkisa nila at sinabing kung hindi ito ibibigay ay maipagkakait sa publiko ang libangan, balita, at pagpapalaganap ng kultura.

Binigyang-diin pa ni Almeda-Lopez na higit pa sa TV Channel 2 at DZMM AM radio ang ABS-CBN dahil ito ay nagbigay ng maraming mahahalagang kontribusyon sa bansa tulad ng Knowledge Channel na kinilala ng United Nations bilang isa sa mga epektibong public service programs sa bansa.

Ibinahagi pa niya sa committee hearing na naghahatid ng makabuluhang serbisyo publiko ang ABS-CBN Foundation at nauuna itong tumugon o isa sa mga nauunang tumugon tuwing may kalamidad sa bansa.

Binanggit pa niya, na naging general manager pala ng ABS-CBN noong 1966, ang programang Bantay Bata, na nagliligtas at nagbibigay proteksyon sa mga bata mula sa pang-aabuso, ang Pasig River clean-up program, at ang maraming medical mission na pagpapatunay na ang kompanya ay “in the service of the Filipino.”

Umapila si Almeda-Lopez sa mga miyembro ng Kongreso na bigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na ipakita ang kanilang kahalagahan at kontribusyon sa bansa.

Pakinggan kaya ng Kongreso si Mr. Almeda-Lopez para makabalik na sa trabaho ang marami nilang artista?

Show comments