MANILA, Philippines — Umabot na sa higit na two million views ang pinost na video ni Anne Curtis sa Instagram ng precious moment nila ng baby nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.
Sa naturang IG video, inaawitan ni Anne ng children song na Twinkle, Twinkle Little Star si Dahlia at makikita sa video na tuwang-tuwa ang baby sa boses ng kanyang mommy.
Maraming netizens ang nakapansin na gumanda ang singing voice ni Anne kaya siguro natutuwa si Dahlia sa tinig nito.
Ang mga ganitong moment daw ang dahilan kung bakit madalas na hindi nakaka-reply agad si Anne sa kanyang mga kaibigan sa social media.
Ayaw daw niyang palagpasin ang mga ganitong pagkakataon na kasama ang baby nila ni Erwan.
Caption pa ni Anne: “One of our favorite things to do together... she’s so observant now... And.... I think she likes mummy’s voice.. P.S wait till the end for our new achievement unlocked. Although I feel chamba but still kilig. Haha. Excited to eventually teach her close-open, arimunding-munding and beautiful eyes.
“P.S.S - to my friends, this is also why I don’t reply 90% of the time”
Mukhang matatagalan pa ang pagbalik ni Anne sa Pilipinas dahil ine-enjoy nito ang kanyang pagiging first-time mommy.
Kahit na muling napapanood na sa mga online channels ang It’s Showtime, hindi priority ni Anne ang bumalik agad sa trabaho dahil susulitin niya ang kanyang pagiging isang mommy.
Nag-post pa si Anne ng ilang videos at photos kung saan kasama nilang mamasyal ni Baby Dahlia ang ina niyang si Carmen na tuwang-tuwa sa kanyang unang apo.
Sa latest post naman ni Anne kay Baby Dahlia habang nakahiga ito at naglalaro ng mag-isa, umani ito ng higit sa 700,000 views.
Caption ni Anne: “Yummy Yummy hands, yummy yummy toes, yummy yummy kili-kili, yummy nose, yummy yummy EVERYTHING”
Joey Paras nagmamakaawa na para makapagpa-opera
Hindi pa pala sumasailalim sa kanyang angioplasty procedure ang comedian na si Joey Paras dahil hindi pa nare-raise ang kailangan niyang P750,000 para sa operasyon at medical expenses.
Sa latest post ni Joey sa Instagram, makikitang nasa hospital bed ito at may oxygen tubes sa kanyang ilong dahil nahihirapan daw itong huminga.
“Due to Covid Pandemic and lack of work, I am badly in need of your help. Please help me raise funds for my ANGIOPLASTY. I AM asking for your help by donating through these payment channels: BDO Savings Account 000901023930; BPI Family Savings Bank 6745-0178-92; Gcash 09177062777.
“Your contribution will go a long way in raising the needed 750,000 to pay for my operation and other medical expenses. Thank you and my thoughts and prayers are with you during this difficult time.#LABANJoeyParas” caption pa niya.
Tila nagmamakaawa na si Joey dahil noong June 6 pa siya naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City at may kamahalan din ang private room kung saan siya nag-i-stay. Kaya nilipat na raw siya sa Ospital ng Maynila.
“I’m doing this video again just to inform you na naka-admit na ako sa isang ospital sa Maynila, and hindi na lang namin magawa yung procedure because of lack of money, as we all know. I’m here once again begging all of you to please donate whatever you can.
“Wala pong pilitan ito, kung ano lang po yung gusto ninyong maitulong para sa akin, maging dasal man ‘yan, suporta, panalangin. But most especially, if you wanna give a financial support, it would be better kasi para matuloy na po yung angioplasty ko.
“I just do hope na lahat ng prayer warriors ko diyan, lahat ng followers, fans, friends would pray for me, for my operation na matuloy na. I think it would be better if you will send your donation thru my bank accounts, thru my BPI checking account and my saving account sa BDO, and my GCash account.”
Isa lang si Joey Paras sa ilang celebrities na biglang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa tatlong buwang quarantine. Dahil noon pa may heart problem si Joey, nakadagdag pa ang pagkaka-confine niya sa ospital sa mga gastusin nila.
May isang kaibigan naman daw si Joey na nagbukas ng account sa GoGetFunding para sa operasyon nito. Umabot na sa P67,550.00 ang nare-raise na funds para kay Joey.
May ilang araw pa para makapagbigay pa ng tulong ang may ginintuang puso kay Joey at matuloy na ang kanyang heart operation.
Nagbida si Joey Paras sa pelikulang Bekikang: Ang Nanay Kong Bading noong 2013.