Veteran actress na ina nila Christopher namayapa na

Lilia Dizon

Namayapa na ang ina ni Christopher de Leon na si Lilia Dizon, kahapon ng umaga. Siya ay 92 years old.

“The angels are rejoicing! Mom is now worshiping our Lord Jesus Christ not by faith, but by sight. She is now with our father God in heaven. No more pain, no more tears, no more suffering, She left us at exactly 8:20 this morning. I’m posting this with much sorrow because I will miss her. I love you Mom! Rest In Peace in the hands of our creator.?,” ang post ng daughter ng veteran actress na si Toni Abad.

Si Toni ay half sister nina Christopher, Pinky and Melissa de Leon.

Naka-schedule i-cremate sa Heritage Memorial Park in Taguig City ang dating actress na isa ring singer.

GMA, pinapa-rescan ang digital TV

Pinapa-rescan ng GMA Network ang kanilang digital TV boxes umpisa noong June 12, 2020 para mas mapanood daw ng malinaw ang mga programa ng network.

Sundin ang mga sumusunod para magawa ito :

· Press “Menu” and go to “Settings”

· Under “Installation”, press “Factory Default” and press “OK”

· If an “Input Password” APPEARS on the screen, enter “0-0-0-0” on the dialogue box and select “YES” to confirm the Factory Default.

· If an “Input Password” DOES NOT APPEAR on the screen, just select “YES” to confirm the Factory Default.

· Choose “Auto Search” or “Auto Scan” then press “OK”

· Wait for the auto scan to be completed or until “Search Completed” appears on the screen then press “OK” or “Exit”

· Search for GMA, GMA News TV, and Heart of Asia using the remote control’s up and down buttons”

Pero kung digital TV users naman kayo, hindi na raw kailangang mag-rescan.

Para sa additional information, contact 8462-8177 or 8982 -7777 local 7046 from 9 a.m. to 6 p.m. or email signalreception@gmanetwork.com.

HK Disneylang magbubukas na rin

Magbubukas na sa June 18, Thursday, ang Hong Kong Disneyland ayon sa story ng CNN.

January 26 nang magsara ang Disneyland Hong Kong dahil nga sa coronavirus pandemic.

Nauna nang nag-open ang Shanghai Disneyland.

Mga dokumentaryo ng Kapamilya, nagwagi sa U.S. Int’l Film & Video Festival

Wagi ng pitong parangal sa U.S. International Film & Video Festival ngayong taon ang mga dokumentaryo ng ABS-CBN tungkol sa mga kahanga-hangang Pilipino at mga isyu sa lipunan.

Pinarangalan ng Silver Screen award ang Mga Kwento ng Klima, Genuine Love, Radical Love, Alab, and Local Legends: Glass Sculptor. Habang binigyan din ng sertipiko ang  Local Legends: Glass Sculptor at Ang Babae ng Balangiga.

Mahigit 50 taon nang kinikilala ng U.S. International Film & Video Festival ang husay sa paglikha sa pelikula at video production ng bansa.

Mapapanood pa ang mga premyadong dokumentaryong ito sa iWant. Sundan din ang DocuCentral sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 

Show comments