Mariel may fallback!

Mariel

Natuwa naman ako kay Mariel de Leon na nagsabi how she admire her dad Christopher de Leon for being the rock in their family. Ganun kalaki ang respeto niya sa Tatay Boyet niya kaya hanggang ngayon, ang mga payo at pangaral nito sa kanya ang sinusunod niya.

Mariel together with her brother Gabriel is in New York para subukan ang kanyang career. Independent siya at solo sa mga desisyon. At graduate ng culinary sa New Zealand kaya meron fallback anytime magbago ang isip sa tatahaking path ng trabaho.

And sure ako nandiyan lang si Christopher at Sandy Andolong to guide and protect her along the way.

Bambbi umaaray sa kita

Medyo umaaray na si Bambbi Fuentes, Salve. Hindi niya akalain na siguro nga labis ang takot ng mga tao na pumunta ng parlor para lang sa haircut. Gusto naman niyang tulungan ang mga staff niya kaya kahit na sure na lugi kung haircut lang ang puwedeng gawin sa salon, nagpatuloy pa rin siya na magbukas. Bawal pa kasi ang color, treatment at make-up kaya sino naman ang pupunta ng parlor na mostly ito ang gustong ipagawa.

Buti na nga lang, iyon mga customer na may budget resorted to home service, like sa bahay na lang sila gupitan, kulayan at make-up. Kung ako talaga, mas gugustuhin ko iyon dahil same din ang price, nasa privacy ka pa ng bahay mo. Iyon nga lang, dapat sundo/hatid mo iyon staff dahil mahirap pa ang sasakyan. Pero mas maganda na ito, gawin mo na lang, pag home service sabay-sabay na kayong lahat , lahat ng nasa bahay pagupit na ng buhok, isabay ang coloring at make-up pagkatapos. Bongga ‘di bah!

Showbiz, hinay-hinay ang takbo

Tuloy naman ang buhay sa showbiz kahit pa nga sabihing medyo hinay-hinay muna ang trabaho. Siyempre lahat ay maingat kaya hindi puwede na basta na lang mag-start agad ng mga project eh hindi mo naman alam kung lahat ng artista papayag sa lock-in. Puwede siguro iyon malalaki na ang mga anak, pero iyon mga bata pa at kailangan kahit paano nandiyan pa rin ang guidance at bantay ng mga magulang nila, hindi puwede.

Saka halimbawa parehong artista ang mga magulang, parehong naka lock-in, sana meron mapagkakatiwalaan magbantay. Tapos hayan pa ang peligro ng covid-19 na wala pang vaccine, siyempre, may takot pa. Kaya dapat lang talaga ingat muna. More waiting pa.

Show comments