Juday, umaasang makakatambal uli si Piolo

Juday
STAR/ File

Kahit maputi na ang mga buhok nila

Matagal nang bulung-bulungan na posibleng magkatambal muli sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual sa isang proyekto.

Matatandaang huling nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Don’t Give Up On Us Baby noong 2006. “Siguro kapag nagkaroon na ng vaccine at pwede na lumabas lahat ng tao, ‘di ba? Siguro matutuloy na siya, we’ll see. Wala namang imposible sa buhay na ito at sa panahong ito. It’s just a matter of time. Nagkataon lang, inabot kami ng covid. I guess hahaba pa ang panahon bago kami makagawa ng project together. It’s just also a matter of right material. Ilang dekada na ang nagdaan after no’ng huli naming project. Habang tumatagal, mas lalong dapat may substance ‘yung material. Mas worth it panoorin kasi matagal inabangan,” pahayag ni Judy Ann.

Umaaasa ang aktres na darating din ang tamang panahon na muli silang magkakatambal ni Piolo sa isang bagong proyekto. “Gusto ko isipin na with this lockdown, magkakaroon ng magandang material na napapanahon at sobrang worth it gawin. Baka kapag nagkita kami, pareho na puti ang buhok namin,” paglalahad ng aktres.

Sam, nagluluto na rin

Tatlong taon na ang nakalilipas nang magpasyang bumukod ng tirahan mula sa kanyang pamilya si Sam Concepcion. Aminado ang aktor na muling nanibago siya nang ipatupad ang community quarantine sa buong Luzon dahil nakasanayan nang palaging nasa labas. “I’ll be out with other people or I’ll be out working. I literally only come home to sleep almost always. This is the only time that I am experiencing living alone. It’s been really interesting. Marami na akong imaginary friends and different versions of me in the living room,” nakangiting pahayag ni Sam.

Dahil sa pananatili lamang sa bahay nang halos tatlong buwan ay may ilang mga bagay na natutunan ang binata. “Learning how to cook is defi­nitely one of them because I don’t cook at all. We all learn how to do it to survive. I enjoy making pasta, easy stuff lang. No’ng una talaga corned beef lang ako. I’m learning a new life skill. I live alone so I’ve been locked in here for quite some time. I rarely see a lot of people but it’s given me a time to just slow down and take my time and use it the way I want. It’s been good. There’s been a lot of time to go back to studying, to music and dance even,” pagbabahagi niya.

Sa ngayon ay hinahanap-hanap na umano ni Sam ang makapagtanghal nang personal sa harap ng kanyang mga tagahanga. “It’s really performing on stage, being in that kind of environment. Just the whole thing about it. Iba ‘yung performing on stage and having a real time connection with people,” pagtatapos ng singer.  (Reports from JCC)

Show comments