Birthday ni Ryzza, naalala sa Araw ng Kalayaan
Tinedyer na ang 2012 Little Miss Philippines winner-turned TV host-actress-vlogger na si Ryzza Mae Dizon. She turned 15 noong nakaraang Biyernes, June 12, Independence Day.
Hinding-hindi makakalimutan ang kaarawan ng isa sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga dahil ito’y pumatak mismo sa Independence Day na sini-celebrate sa buong bansa maging ng ating mga kababayan na nasa iba’t ibang bansa.
Pitong taong gulang si Ryzza Mae nang siya’y mag-audition para sa seasonal segment ng longest-running noontime show, ang Eat Bulaga nu’ng 2012 at suwerte naman dahil siya ang tinanghal na Little Miss Philippines ng taong `yon. `Yun na rin bale ang naging simula ng pagbabago ng buhay ni Ryzza Mae maging ng kanyang pamilya.
In her eight years in showbiz, marami na rin ang na-achieve at narating ni Ryzza Mae na kanyang sinimulan bilang childstar.
Halos 30 o mahigit pa na iba’t ibang awards at pagkilala ang natanggap na niya mula sa iba’t ibang award giving bodies para sa iba’t ibang kategorya bilang child star.
Nananatili pa rin ang dating childstar bilang isa sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga since 2012 hanggang ngayon. Sa programa rin halos lumaki ang dating si `Aling Maliit.’
Nagpapasalamat din si Ryzza sa kanyang Eat Bulaga family dahil hindi siya pinababayaan ng mga ito simula nang siya’y maging kabahagi ng programa.
- Latest