Piolo, pinag-iisipang mag-reinvent
Ngayong maaari nang bumalik sa trabaho ay apat na pelikula ang nakatakdang gawin ni Piolo Pascual. Bukod sa mga pelikula ay mayroon pang ibang proyektong pinaghahandaan ang aktor. “I was so booked. I had so many pending work. I’m just excited because when we get back to work. It’s like starting again. It’s like being a new actor again and I’m looking forward to that,” pagbabahagi ni Piolo.
Mahigit isang buwan nang hindi nakapagtrabaho ang aktor mula nang ipasara ang ABS-CBN dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito. Ayon kay Piolo ay pinag-isipan niyang mabuti kung ano pa ang maaari niyang gawin bilang isang aktor habang ipinatutupad ang community quarantine sa buong Luzon. “Even when I was in quarantine, I was still trying to read books, learn, evaluate what I did before and how I can be better as an actor. I just keep on growing as a person, as an artist. Iyon ‘yung reflection. Ano pa ba ang pwede kong gawin? How can I reinvent myself? How can I evolve? You have to quiet down. I would spend so much time alone just meditating, praying, sometimes just thinking nothing. Just looking out the horizon. We all need that,” kwento ng aktor.
Juday, worried kung papatok pa sila ni Wowie
Kamakailan ay nagbalik-tanaw si Wowie de Guzman noong mga panahong magkatambal pa sila ni Judy Ann Santos. Matatandaang pumatok ang tambalang Juday-Wowie mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas. Kung muling mabibigyan ng pagkakataon ay gusto umanong makatrabahong muli ng aktor si Juday.
Nagbigay naman ng reaksyon ang aktres tungkol sa naging pahayag ni Wowie. “Oo naman, of course. Mga lumang tao kami. I guess ‘yung naghahanap ng tandem namin, mga lumang tao din, di ba? Wala namang imposible lalo na sa industriya natin. Of course it’s been decades no’ng huli kami magkatrabaho ni Wowie. That’s a lot of time na hindi kami nagkita. It would be interesting,” pahayag ni Judy Ann.
Aminado naman ang Young Superstar na nakararamdam siya ng pangamba kung sakaling muli silang magkakatambal ni Wowie sa isang proyekto. “Hindi ko lang alam kung interesado pa ‘yung mga bagong tao na makita kami together. But it’s a nice concept. That would be totally different. Siguro wala na kaming tweetums factor bilang tapos na kami doon. Grumaduate na kami ng valedictorian sa part na iyan. Ibigay na natin sa iba,” natatawang paglalahad ng aktres. Reports from JCC
- Latest