Wake sandali lang
Heart failure ang cause of death ng legendary actress na si Anita Linda kahapon ng 6:15 ng umaga. Last November lang siya nag-celebrate ng 95th birthday.
Ngayong araw ang cremation, 2:00 p.m. and after the cremation, may wake from 5:00 p.m. to 8:00 p.m. Gaganapin naman ang burial sa Friday, 10:00 a.m at the Manila Memorial Columbarium, ayon sa daughter niyang si Ms. Franceska Legaspi na naka-text ko kahapon.
Nabanggit na ng daughter ni Ms. Anita na madalas daw umiiyak ang legendary actress, nang makausap ko si Ms. Franceska, noong time na ini-invite namin ang movie icon for The 4th EDDYS kung saan isa ang magaling na actress sa pinarangalan bilang 2019 Icon awardee.
Isa si Ms. Anita sa pinaka-matandang artistang natitira bago siya pumanaw kahapon ng umaga.
Aside from The EDDYS, naging bahagi rin si Ms. Anita sa pagdiriwang sa Sandaan: Ika-Isang Daang Taon ng Philippine Cinema at Mother’s Day ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung saan binigyan ng recognition ang mga ambag ng veteran actress sa Philippine cinema sa Sandaan: Dunong ng Isang Ina. Pinagkalooban din siya ng achievement award para sa mga kontribusyon bilang isang artista at mentor sa film industry.
Naalala ko pang nagkaroon noon ng The Life of Anita Linda: An Exhibit sa FDCP office na kung saan pinakita ang iba’t ibang yugto sa buhay ng legendary actress bilang artista, kabilang na rito ang mga sikat niyang mga pelikula at role, pati na rin ang memorabilia kaugnay sa kanyang buhay at career.
Gumawa nga ng sariling pangalan si Anita Linda, o Alice Lake sa totoong buhay, sa ebolusyon niya mula sa pagiging romantic lead noong kabataan niya hanggang sa pagganap sa maternal o elderly roles na umani ng mga papuri. Lumabas din siya sa iba’t ibang Filipino films, gaya ng Presa ni Adolfo Alix, Jr. Sisa at Ang Sawa sa Lumang Simboryo ni Gerardo de Leon, at Lola ni Brillante Mendoza.
Last movie niya ang Circa na dinirek ni Direk Adolf at napanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.