Nanawagan ng tulong ang comedian na si Joey Paras para sa kanyang angioplasty.
“Friends, Followers, Family, Loved Ones...I need your HELP. Please Go Fund Me. Hindi pa po natutuloy ang Angioplasty procedure ko due to lack of funds. Please Share,” pakiusap ni Joey sa kanyang Facebook post.
Kasalukuyan siyang naka-confine sa St. Lukes at kailangan ngang mag-undergo ng third heart surgery.
Nauna na siyang nag-negative sa covid-19 testing. “I tested NEGATIVE sa COVID19 TESTING! Praise God! Para akong nanalo ng AWARD!!! Now, this makes me HAPPY! Edema and Heart Failure, tayo naman ang magtutuos!,” ang unang post niya, a week ago.
Hindi lang basta comedian si Joey dahil magaling din siyang singer at stage actor.
Actually, nagbebenta na rin siya ng bahay para may magastos sa pagpapagamot.
Paggaling ka Joey. Kapit lang.