Nagkakaroon daw ng restructuring ng contract, o medyo hihingi ng konting leeway ang management para sa talent fee ng kanilang mga guaranteed stars.
Siguro naman dahil sa sitwasyon ngayon, na dahil nag-cost cutting ang ilang kumpanya at siyempre affected ang revenue mula sa marketing at commercials, dapat lang mapagbigyan ang kahilingan ito.
Dahil sa nangyaring lockdown, napansin siguro ng management na sobra ang laki ng mga TF at guaranteed payment na ibinibigay nila sa iba nilang alaga, plus the fact na siguro nalaman din nila kung minsan lugi sila sa ibinibigay na short fall pag hindi natupad ang guaranteed work ng talent.
Dahil din sa lockdown, marami sigurong naging oras para pag-aralan ang mga naging unang desisyon, kaya now unti-unting gusto implement.
Well, win win situation pa rin naman dahil kung titingnan mabuti ng mga artista, isang eye opener na sa loob ng three months puwede naman pala mawala iyon star / glitter at hindi naman hahanapin ng tao.
At puwede naman palang ilabas sa TV ang mga replay at napipilitan panoorin kahit papaano.
Sa panahon ngayon, mahirap ang bargaining power kaya either you accept or you don’t.
Iyan ngayon ang kalakaran
Mayor Zamora hindi nirespeto ang mga taga-Baguio?!
Talagang seryoso ang bawat city at mga official nito sa pagpapatupad ng health protocols, Salve. Napatunayan ito sa Baguio nang pumunta doon si San Juan Mayor Francis Zamora. Ikinagalit ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nang hindi mag-undergo ng usual test bago pumasok sa Baguio. Talagang hindi pumayag si Mayor Magalong na hindi magpa-test sila Mayor Zamora at mga kasama habang nasa Baguio.
Bawat city ay may kanya-kanyang mga protocol na sinusunod, kailangan sundin dahil para iyon sa kaligtasan ng mga nasasakupan nila.
Kaya ngayon, hindi basta-basta puwedeng pumunta lang sa isang probinsiya, alamin muna ang mga panuntunan nila, mga papeles na kailangan dalhin bago mag-biyahe. At dapat igalang bawat city ordinance na sinusunod sa bayan na pupuntahan.