TF, hindi na per taping!

MANILA, Philippines — Isa nga sa new normal ngayon sa showbiz dahil sa COVID-19 pandemic ay ‘yung pagla-lock-in sa mga artista, staff at crew para tapusin ang kanilang mga proyekto.

Tama ba ang tsikang nakarating sa akin na dahil lock-in nga sila, may ibang mga artista na package ang talent fee?

Meaning, hindi na per taping day (sa pelikula kasi, karamihan, per movie ang rate at hindi per shooting day lalo na sa main stars) ang magiging bayad sa kanila.

Meron naman daw ‘yung pinapakiusapan na magbaba sa usual per taping day nila. May mga pumayag na raw na stars and managers, pero may mga tumanggi naman daw.

Anyway, understandable naman daw kung sakaling pakiusapan man na magbawas ng TF ang karamihan sa mga artista dahil lumaki rin ang production cost ngayon sa mga taping.

Dahil lock-in, sa accommodation pa lang daw ay sobrang gastos na. Well…

Gary hindi muna babalik sa ASAP

Excited ang mga taga-ASAP Natin ‘To na magbabalik na sila sa Sunday sa pamamagitan ng Kapamilya Channel.

Pero kung nasa show pa rin sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid at iba pa, hindi naman daw muna mapapanood si Gary Valenciano.

Isa ang tinaguriang Mr. Pure Energy sa sobrang excited sa pagbabalik sa ere ng kanilang musical variety show, pero dahil sa sitwasyon daw ng COVID-19, delikado para sa katulad niyang may Type 1 diabetes ang lumabas muna sa kanyang bahay at mag-resume ng trabaho.

Pero kahit wala nga raw muna siya sa ASAP Natin ‘To ay umaasa si Gary na mag-e-enjoy pa rin ang lahat ng mga manonood nito.

EB hindi nag-lock-in

Dahil live na nga kahapon ang Eat Bulaga, maaga pa lang ay nasa APT Studios na sa Marcos Highway ang staff and crew ng nasabing noontime show na produced ng TAPE, Inc. sa GMA 7.

Tinanong ko ang isang staff kung lock-in ba sila at hindi ang sagot sa akin.

Pero marami raw safety measures na pinatutupad. Sabi ng staff na ka-text ko, “Uwian po kami, pero may service kami!” O, ‘di ba, bongga ng Eat Bulaga at hindi nila pinapayagang mahirapan sa pagpunta at pag-uwi ang staff and crew nila, huh!

‘Yun na!

Show comments