^

PSN Showbiz

Joshua, Sasabak na sa new normal shooting!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Joshua, Sasabak na sa new normal shooting!
Joshua

Naku, Ateng Salve, for sure, matutuwa ang fans ni Joshua Garcia dahil sa June 20 ay back to work na ang Kapamilya actor.

Magre-resume na nga ang shooting ng Mga Kaibigan ni Mama Susan movie niya na co-production venture ng Regal Entertainment, Inc. at Star Cinema, Inc.

Nakausap ko si Roselle Monteverde, anak ni Mother Lily Monteverde, at ikinuwentong tuloy na tuloy na nga ang pagre-resume nila ng shooting ng nasabing pelikula.

Excited na rin daw ang direktor nilang si Chito Roño na ipagpatuloy ang naudlot na trabaho ng nasabing Joshua starrer.

“Bale naka-six days na kami ng shooting ng pelikulang ‘yan bago nag-ECQ (enhanced community quarantine). Dahil GCQ (general community quarantine), puwede na kaming mag-resume,” sabi ni Roselle.

Ang Regal ang lead ng production ng Mga Kaibigan ni Mama Susan, kaya sila ang abala sa pagre-resume ng shooting nito.

Ready na raw si Joshua at ang iba pang cast ng pelikula at lock-in daw ang lahat, including the staff and crew.

Maraming restrictions sa shooting dahil nga may guidelines na dapat sundin dahil nga ito na ang new normal ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

Idinagdag din ni Roselle na two legs ang magiging shooting nila.

“First leg is eight days then balik ng mid-July for the second leg,” sabi ni Roselle.

Bale sa Pampanga raw ang location nila, kaya doon ila-lock-in ang lahat ng stars, staff at crew.

May sinusunod silang schedule, kaya kailangang matapos ang pelikula dahil after no’n at may iba pa ring projects na tatapusin ang ibang stars na kasali sa pelikula.

Ang maganda nga lang sa new normal na pinapasunod ngayon sa shootings, pati na rin sa tapings, walang laga-lagare ang mga artista dahil nga naka-lock-in ang lahat!

Ang bongga!

Tonton binigyan na ng ibang trabaho

Ikinuwento sa akin ni Manay Lolit Solis na kasama si Tonton Gutierrez sa pagre-resume ng taping ng Make It With You ng reel and real sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pero dahil balitang cancelled na nga ang nasabing Kapamilya network series, inilipat pala sa ibang show si Tonton.

Ang dinig ko, sa Burado series inilipat ang aktor.

Maraming pagbabagong magaganap sa Burado, kaya naman naipasok doon si Tonton.

Kapag nagsimulang mag-taping si Tonton for Burado, lock-in din sila, kaya si Glydel Mercado ang maiiwan sa bahay para bantayan ang dalawa nilang anak.

Hindi sabay magtatrabaho ang mag-asawa.

Palitan silang dalawa para may mag-aalaga pa rin sa dalawa nilang anak na babae.

‘Yun na!

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with