Sana nga ay hindi pa huli ang lahat sa paglantad ng dating dalawang Pinay Miss Universe sa Anti -Terrorism Bill na pirma na lang ni President Duterte ang kulang at magiging batas na.
Ginamit nga nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray ang kanilang influence para magkaroon ng awareness ang karamihan tungkol sa Anti Terrorism Bill na matinding tinututulan ng marami.
Pasado na sa Congress and Senate ang Anti Terrorism Bill na malalim ang nilalaman.
Naunang nag-tweet si Pia tungkol sa pagtutol niya sa nasabing bill na pinagawang priority ni Pangulong Duterte. “I’ll be honest, I never really liked commenting about politics simply cos I felt like I didnt know enough. I wasnt confident enough to speak up... I also was never really a fan of tweeting (Im barely online here) but I realized that I need my voice back...and I need to use it.
“Sa lahat ng nangyayari ngayon sa Pilipinas at sa mundo.. overwhelming. Diba? Parang di mo alam kung maiiyak ka o magagalit. Parang pakiramdam mo minsan powerless ka. Parang sasabog yung puso mo. Yung feeling na parang may gusto kang sabihin. May kailangan kang sabihin. Pero narealize ko na hindi ako powerless... kasi hindi ako nagiisa. #JunkTerrorBill #MassTestingNowPH #ActivismIsNotTerrorism”
Pahayag naman ni Catriona : “There is so much happening in the world and in our nation right now, and I know alot of us want to just tune out because it all gets a bit overwhelming. But please, dont allow that to be the reason we revert into silence and turn a blind eye. We need to stay engaged because this is where our voices count. So let’s help each other by creating spaces that help us keep each other informed and help us understand what’s going on.
“I’ve taken the time to research and digest information and come to my own conclusions and I implore you all to do the same. I’ve created an IG story highlight with some resources. I’m not here to influence you to think a certain way, but I hope I can influence you to think for yourself. #JunkTerrorBill.”
Maraming mga pumuri sa pagiging palaban nila, pero as usual marami rin nanlait sa kanila. Wag na raw silang makisawsaw at atupagin na lang nila ang mga dyowa nila.