^

PSN Showbiz

Liza Soberano sa anti-terror bill: Wag agawin ang karapatang pantao namin

James Relativo - Philstar.com
Liza Soberano sa anti-terror bill: Wag agawin ang karapatang pantao namin
Litrato ni Liza Soberano, na "second most followed" Filipino celebrity sa Instagram
Mula sa Instagram ni Liza Soberano

MANILA, Philippines — Nadagdagan ang mga boses na tutol sa isinusulong na anti-terror bill sa Konggreso —  sa pagkakataong ito, ang mga personalidad naman sa showbiz.

Kahapon kasi nang pumasa sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 6875, na magbibigay nang mas malaking pangil kontra "terorismo." Gayunpaman, tinututulan ito nang marami dahil sa ilang probisyon na diumano'y maglalagay sa karapatang pantao sa alanganin. 

Una nang lumusot sa Senado ang counterpart bill nito, dahilan para lumapit ito nang husto sa tuluyang pagkakapasa sa third and final reading.

"Huwag ninyong agawin ang ang aming mga boses, ang aming batayang karapatang pantao!!!!" sabi ni Liza sa Inggles, Martes nang gabi, matapos i-tweet ang katagang #JUNKTERRORBILLNOW.

Kasama rin sa kanyang ipinost ang isang link na nananawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte at mass testing kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).

Hinihikayat din ngayon ni Liza ang kanyang mga followers na mamigay ng donasyon sa mga tsuper ng jeepney, na halos tatlong buwan nang walang kita dahil hindi makapasada magmula noong enhanced community quarantine (ECQ).

Ano bang meron diyan?

Sa Section 29 ng panukala, pwede ang 14 hanggang 24 araw na pagkakakulong ng sinumang suspek kahit walang warrant o kaso, bagay na labag diumano sa 1987 Constitution ayon sa Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLCL).

(Basahin: 'Anti-terror' bill unconstitutional, anti-demokratiko — mga abogado)

Malawak din ang pakahulugan nito sa terorismo (Section 4), na sumasaklaw sa mga gawing inilulunsad para i-intimidate, o sindakin, ang gobyerno para kumilos sa isang bagay.

Maaari ring magsagawa ng 60 hanggang 90 na araw na wire-tapping sa mga pinaghihinalaang terorista. Kung maipapasa, hindi na rin babayaran ng P500,000 kada araw na danyos ang mga inosenteng ikinulong kaugnay ng "terorismo."

Maaaring makulong nang 12 hanggang 40 taon ang mga mapaparusahan ng anti-terror bill, kahit ang ilan dito ay walang kinalaman sa aktwal na pagsasagawa ng terorismo. Wala ring piyansa ang mga susuway sa ilang probisyon.

Dahil diyan, nababahala ang mga militanteng grupo at netizens na maaaring magamit ito laban sa mga kritiko ng polisiya ng pamahalaan.

Dinepensahan naman ni Sen. Vicente "Tito" Sotto III, na artista din, ang panukala, at sinabing terorista ang pupuntiryahin nito at hindi mga aktibista.

"Napakaraming safeguards nito [anti-terror bill] pero mahigpit sa terorista," ani Sotto sa panayam ng dzBB, Miyerkules.

"Tayo lang ang may Human Security Act na pabor sa terrorist."

Itinanggi rin ni presidential spokesperson Harry Roque na may "draconian" na probisyon (o labis sa kalupitan) ang panukala, at sinabing ibinatay lang ito sa mga batas ng Estados Unidos at Britanya. 

Enchong Dee: Rally na

Dahil sa mga pihit ng sitwasyon, kating-kati na ang ilang celebs na magprotesta laban sa bill.

"Ano yung tamang paraan ng pag-rally ngayong (general community quarantine)?" tanong ng aktor na si Enchong Dee.

"Gawin ko na bago ipasa yung anti-terror bill kasi kayang kaya na nila ako ikulong kong trip nila."

Pinalagan na rin ng iba pang mga artista ang measure, gaya nina Nadine Lustre, GMA stars Solenn Heussaff at Janine Gutierrez.

(May kaugnayan: Stars react to 'Anti-Terror' Bill)

Nagsalita na rin laban dito ang anak ni Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan, komedyanteng si K Brosas at dating IV of Spades at ngayo'y solo musician na si Unique Salonga.

"Urgent?? Parang May mas dapat pong mauna kesa jan.. haaaay... Disappointed faceDisappointed faceDisappointed face #JunkTerrorBill," ani Brosas, na nagsasalita sa pagpapaspas ni Duterte sa panukala.

ACTIVISM

ANTI-TERROR BILL

HUMAN RIGHTS

LIZA SOBERANO

TITO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with