Angelica sobrang sakit ang nararamdaman, babu na sa Banana Sundae
Hindi okay si Angelica Panganiban.
Kahapon sa kanyang IG post ay umamin siyang walang kasing sakit ang nararamdaman niya ngayon at ng cast ng Banana Sundae na almost 12 years ding napanood sa ABS-CBN.
Madalas nilang dialogue sa nasabing comedy show ang “okay ba kayo jaaaan,” pero ngayon ay sila ang hindi ok.
“Halos labing dalawang taon tayo nagpapatawa at nagpapasaya ng mga tao.. Sa pinaka unang pagkakataon,, kanina,, umiiyak tayong lahat.. Masyadong masakit na makitang durog na durog tayong lahat. Sa ganitong panahon, ito ang pinaka huli nating pwedeng maramdaman.. Ang mawalan tayo ng tahanan. Masakit.. Kasi, intensyon lang natin magpasaya, makatulong. Masakit, kasi, marami sa atin ang hindi na alam kung paano itutuloy ang buhay. Masakit kasi, magwawatakwatak na tayo. Sa mga salita na ibinabato niyo sa amin para tuluyan kaming tapak tapakan, walang sinabi yun sa sakit na nararamdaman naming lahat ngayon. Pare parehas naming hindi alam ngayon kung paano pa kami lalaban.. kung saan pa kami kukuha ng lakas. Gusto naming isipin na pansamantala lang ‘to. Magkikita kita ulit tayo. Gusto naming lumaban para sa mga kasamahan namin sa trabaho. Gusto namin ipaglaban ang pamilya namin. Gusto na namin ng katahimikan sa mga tanong namin.
“Pero kahit ganito,, lalaban kami. Magtutulungan kami. Kapag nakabalik kami, sigurado akong mas malakas kami. Palagi namin tinatanong sa simula ng show ang “okay ba kayo jaaaan”... Ngayon naman,, kami ang hindi “okay”..
“Kaya naman... Hanggang sa muli na lang muna tayo mga kabanana. Salamat sa halos labing dalawang taon. Mahal na mahal ko kayo,” seryoso niyang chika sa kanyang IG account gamit ang black and white photo ng Banana Sundae groufie.
Pero sa kanyang IG story ay makikitang madalas silang mag-chikahan ng buong cast ng comedy show.
Wala pa ngang kasiguruhan ang magiging franchise renewal ng ABS-CBN na pinag-ugatan ng career ni Angelica mula sa pagkabata.
Ito ay kahit nagkaisa ang dating mga Kapamilya personality na mga miyembro na ngayon ng Kongreso na sina Rep. Vilma Santos-Recto, Rep. Loren Legarda, Rep. Sol Aragones, at Rep. Joy Myra Tambunting para isulong ang prangkisa ng network sa naging joint House committee hearing noong Lunes (Hunyo 1).
Tinigil ng ABS-CBN ang operasyon nito noong Mayo 5 alinsunod sa cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa network, kahit na sinabi nitong bibigyan nila ng provisional authority ang network sa kabila ng Senate Resolution No. 40, liham mula sa House of Representatives’ committee on legislative franchises, at abiso ng Department of Justice.
So nawawalan na nga kaya ng pag-asa si Angelica na makakabalik pa sila sa ere?
- Latest