As of presstime, nakabantay pa rin sina Sen. Bong Revilla at mga kapatid sa kanilang amang, si dating Sen. Ramon Revilla Sr. pagkatapos siyang isinugod sa hospital nung nakaraang Linggo ng gabi.
Ipinost ni Sen. Bong sa kanyang Facebook account na isinugod nila ang kanilang ama sa St., Dominic Medical Center at binigyan daw ng First Aid and Emergency Medical Services.
Pagkatapos nito ay inilipat daw sa St. Luke’s Global na kung saan doon na raw kinabitan ng ventilator.
Bahagi ng ipinost ni Sen. Bong sa kanyang Facebook account nung Linggo ng gabi; “Kasalukuyan po siyang nakakabit sa ventilator, but thank God, he is now conscious and responsive.
“Patuloy po kaming humihingi ng inyong panalangin para muli niyang malampasan itong kanyang karamdaman.
“We will ask his doctors to provide medical bulletins as they become available.”
Kahapon ng umaga ay muling nagpadala si Sen. Bong ng statement kaugnay sa kalagayan ng kanyang ama.
Aniya; “Thank you for your continuous prayers.
“Daddy is still in critical condition and will be under strict observation for the next 48 hours.
“Hiling po namin ang inyong patuloy na panalangin para kay Daddy at sa aming pamilya (3 praying emojis)”
Ilang beses na ring labas-masok si Mang Ramon sa hospital, pero nitong mga nakaraang araw ay malakas naman siya at nagsasalita pa nga ito kapag isinasama siya ni Sen. Bong sa kanyang Facebook live.
Laging dumadalaw si Sen. Bong sa Daddy niya pero hindi siya talaga lumalapit.
Nasa bintana lang siya at pinapapakaway ang Daddy niya.
Maureen hindi tinanggap ang korona ng Ms. ECO
Nag-decide na si Maureen Montagne na hindi na tanggapin ang korona ng Miss Eco-International 2019 dahil gusto niyang mag-focus sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas 2020.
Nag-announce naman ang BPCI na postponed muna indefinitely ang Binibining Pilipinas, pero umaasa silang itutuloy pa rin ito kapag maayos na ang guidelines sa mga event.
Nasa GCQ na tayo ngayon at posibleng matutuloy din kapag maayos na at sana bumaba na ang number ng mga positibo sa COVID-19.
Ipinost na ni Maureen sa kanyang social media account ang kanyang statement kaugnay sa Miss Eco-International.