Masayang ibinalita ni Bea Alonzo na umabot na sa siyam na milyong piso ang halaga ng mga natanggap na tulong at donasyon sa I Am Hope Organization na pinamumunuan ng aktres. Naglalayong makatulong ang charity organization sa mga kababayang labis na naapektuhan ng covid-19 pandemic. “We are happy to announce that we just hit the 9 million mark, in cash and in kind. So maraming-maraming salamat sa lahat ng sumuporta. Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nag-donate din, dahil sa inyo nakatulong na kami sa 44 hospitals and 36 communities. At hindi dito nagtatapos ito, this is just the beginning. Mara-ming salamat sa volunteers, sa lahat ng nag-donate, sa aming supporters for donating, sa aming mga kapwa-artista, kapwa-kasama sa aming industriya. It is our small way of helping our frontliners who are risking their lives for us. I know we have a long way to go. But as long as we have each other, we’re here to help each other out, malalampasan natin ‘tong magkakasama,” pahayag ni Bea.
Ayon sa dalaga ay patuloy pa ring magpapaabot ng tulong ang kanilang samahan para sa mga kababayang mayroong matinding pangangailangan ngayon. “We’re on our second wave of helping the community. It is not limited to just frontliners. It is no longer just about them. Initially, this is just for the frontliners. We realized that marami ring nagugutom sa kalye. Our volunteers, na-experience nila first hand ‘yung mga people approaching them, asking them for food. So itong next wave gusto naming tulungan sana ang community with their livelihood and also to feed them. Alam namin na hindi ito ang solusyon pero in our humble ways sana malaki ang maitulong namin sa community. And sana ang long-term goal natin is to also help children in their education. Also women with their livelihood, sana kung mabibigyan kami ng pagkakataon, sana matulungan din namin sila,” paglalahad niya.
Malaki rin ang pasasalamat ni Bea kay Vhong Navarro na tumatayo namang Director ng I Am Hope Organization dahil sa rami rin ng mga tulong na naibigay ng aktor. “Gusto ko ring magpasalamat kay Mr. Vhong Navarro at kay Tanya (asawa ni Vhong) para sa pagluluto nila. Twice sila nagluto, grabe ang effort nila. Kapag sila ang gumagawa napakaganda. Pati ‘yung faceshield, for some reasons (ang ganda). Si Vhong ang dami na ring nabigay na PPEs, and mga masks care of Vhong din,” kwento pa ng aktres.
Daniel binali ang style sa pelikula nila ni Charo
Kahit halos isang dekada nang nagkakatambal sa mga proyekto sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay may mga pagkakataong nahihirapan pa rin ang dalawa sa trabaho. “Mahirap kasi ang dami na naming nagawa at laging challenge ‘yung paano na iibahin,” paliwanag ni Daniel.
Matatandaang huling nagkatambal ang magkasintahan sa The Hows of Us noong 2018. Nagbida na rin si Kathryn sa Three Words to Forever kasama sina Sharon Cuneta at Richard Gomez noong 2018. Pumatok nang husto sa takilya ang Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan naman nina Kathryn at Alden Richards noon lamang isang taon. Malapit na ring matapos ang post-production ng pelikulang Whether the Weather is Fine na pinagbibidahan nina Daniel at Charo Santos-Concio.
Kinailangang magkanya-kanya raw munang proyekto ang KathNiel upang mayroon silang maipakitang mga bagong atake sa kanilang mga tagahanga. “Minsan kailangan mo bumali sa ibang style ng pelikula naman. Ako more on rom-com and drama ‘yung ginagawa ko. Pwede ka rin kasi maubusan na, maganda rin ‘yung huling ginawa naming pelikula with Carlo (Francisco Manatad, direktor ng pelikula) and Ma’am Charo. Nabali nang sobra ‘yung character ko sa lahat ng ginagawa ko. Ibang timpla ng pelikula so na-refresh ka rin as an actor. Kailangan gawin mo rin ‘yung mga pelikula na gusto mong gawin. Kasi doon babalik ‘yung pagmamahal mo sa film. ‘Yung pupunta ka sa isang set, tapos nae-excite ka kasi ‘yun ‘yung mga pinapanood mong films. Tapos ngayon ikaw na ‘yung aarte. Para rin sa ‘yo ‘yun. Self-growth bilang isang actor,” paliwanag ng binata. (Reports from JCC)