Gladys mas pabor sa no vaccine, no classes!
“No vaccine, no classes po. Ang hirap i-risk po health ng mga bata,” reply ni Gladys Reyes nang tanungin ko ang reaction niya sa mainit na pinag-uusapan ngayon na opening ng classes sa August.
Nauna kasing sinabi ni Department of Health Secretary Duque na tuloy ang pasukan sa August. “Sa ngayon, tingin namin ay ligtas naman po kung bubuksan natin ang klase by ?August 24.”
Pero kinontra ito ni President Duterte at sinabing kung walang vaccine, walang klase. “I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit ‘yang mga bata. Bahala na ‘di makatapos, for this generation wala na makatapos na doktor, pati engineer. Wala nang aral, laro na lang, unless I am sure they are really safe. Para sa akin, bakuna muna,” pahayag ng pangulo..
Kaya maraming parents ang nag-agree sa president kasama na si Gladys. “Mas priority po ang health ng mga bata. Pwede rin po online classes pero iba pa rin po talaga yung traditional classes,” katuwiran naman ni Gladys in case na hindi na nga muna puwedeng magkaroon ng face to face classes.
Besides ayon sa actress, adjusted na ang mga anak niya sa online classes “Last part of classes po nila since March online.”
Nauna na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may chance pa rin naman ang opening klase, depende sa rami ng infection sa bansa. Mas importante naman talaga ang health lalo na ng mga bata. Puwede namang mag-self / home study for now at kung talagang safe at may bakuna na, saka na lang ang face to face classes.
Anyway, kahapon ay 350 ang new cases ng coronavirus kahapon. Dahil kaya ito sa mga dumagsa sa mall?
May apat na anak sina Gladys at mister niyang si Christopher Roxas.
- Latest